Netizens, inaabangan ang resbakan ng magkakapatid na Barretto

Netizens, inaabangan ang resbakan ng magkakapatid na Barretto

- Muling lumikha ng ingay ang magkakapatid na Barretto kamakailan

- Ito ay matapos madawit si Julia Barretto sa kontrobersiyal na hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson

- Nagpahayag ng pagsuporta sina Gretchen at Claudine Barretto kay Bea Alonzo matapos siyang buweltahan ni Julia Barretto sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling lumikha ng ingay ang magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto kamakailan. Ito ay kasunod ng pagkadawit ng anak ni Marjorie na si Julia Barretto sa kontrobersiyal na hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Binuweltahan ni Julia si Bea na diumano'y naging dahilan ng pambabash at pambubully sa kanya online. Nanatili namang tikom ang bibig ni Bea sa mga tinuran ng anak ni Marjorie.

Gayunpaman, sa kanyang pananahimik ay bumuhos ang suporta mula sa mga netizens pati na rin ng ilang mga artista kabilang na ang mga tiyahin ni Julia na sina Claudine at Gretchen.

Sa naging komento ni Gretchen sa social media, tila ipinahiwatig niyang alam niyang isang ghost writer ang gumawa ng mensaheng ibinahagi ni Julia sa Instagram.

Kasunod nito ay "ghost writer" na ang nakalagay sa bio ng Instagram ni Marjorie. Hindi rin nagpatinag si Gretchen at nilagay ang salitang "ghost buster" sa kanyang IG bio.

Tila naman nasanay na ang mga netizens sa patutsadahan ng mga Barretto at inaabangan na lamang ang mga sususnod na buweltahan.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga netizens:

HAHAHAHAHA! Patolera of the year ang tita Greta!
1:03 pm Nope! She is hilarious La Greta! For the win . The other party got provoked.
Nope mommy Mrg. La Greta that is a good one ☝️
O ha natatabunan na ang main characters, silang magkapatid na ang mas bida
Hahahhahaha alam mo mapangasar lang to si tita gretchen pero ung isa more patol kaya pikon na pikon hahahhaha pero ang funny hahahahahha

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ano bang say dito ni dom? Chineck ko sa IG di naman sila nag fofollowan nila dani julia and claudia
Dysfunctional Family
1:08 masaya ang showbiz dahil sa mga barretto's kulang ang showbiz kung wala sila :)
Hahaaha GO Greta!!! Kulit nila magkapatid. Nakaka entertain lol Lets see sino una mapikon
Hahahaha. Natawa ako sobra! ✌
Hahahhahahaha nakakaloka kayong magkapatid.
Mag royal rumble na Lang kayo dalawa tita Gretchen and tita Marj.. doon ilabas niyo gusto ilabas lahat lahat na. IPA FB LIVE pa... Tapos May polling sino mas marami tards sa kanila wins.... plus shares !!! Kayo sino kayo pupusta? Team Greta or Team Marj!
LOL. Baka gusto ni Claudine sumali? Bakante pa ang GHOSTFIGHTER Kay Bea sana yan, kaso di naman yun sasali. Sa barretto sisters na lang

Matatandaang naging usap-usapan na ang gulo sa pamilya ng mga Barretto. Ilang beses na silang nagkakasamaan ng loob at nagkakabati. Gayunpaman, tila hindi na bukas sa pakikipagbati si Gretchen kay Marjorie matapos niyang sabihing hindi na ito mangyayari sa naunang ulat ng KAMI.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Si Gretchen Barretto ay isang artista sa Pilipinas. Inilunsad siya ng Regal Films bilang isang singer-actress. Siya ay pang-lima sa pitong anak nina Miguel Alvir Barretto at Estrella Castelo Barretto. Ang kanyang dalawang nakababatang kapatid na sina Marjorie Barretto, Claudine Barretto, at pamangking si Julia Barretto ay pawang mga artista din. Si Gretchen ay may isang anak na babae na nagngangalang Dominique, sa negosyanteng si Tony Cojuangco.

POPULAR: Read more about Marjorie Barretto here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: How Is Acid Supposed To Taste? | HumanMeter

Check out Human Meter's Tricky Questions. Do you want to have a good laugh? Check out this clip filmed in the Philippines.There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel