Mayor Isko, nangako ng pakikiisa sa national government

Mayor Isko, nangako ng pakikiisa sa national government

- Nangako ng suporta si Mayor Isko Moreno Domagoso sa kasalukuyang administrasyon at sinabing isa lamang ang ating gobyerno

- Ayon sa alkalde, mayroon daw balitang nakarating sa kanya na may planong suportahan ng administrasyon ang kanyang mga reporma

-Sinabi rin ni Mayor Isko na bukas ang Maynila sa lahat ng mga nagnanais na tumulong dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakarating daw kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga plano ng kasalukuyang administrasyon na suportahan ang kanyang mga reporma para sa siyudad ng Maynila.

“Salamat sa national government, basta kami hindi tatanggi sa tulong ninyo… marami akong napapabalita ngayon na paparating na tulong sa siyudad,” anito.

Sa isang report ng Pinoy Trend, nagpasalamat si Mayor Isko sa mga ahensiya ng gobyerno na tumutulong sa kanila sa "pagsasaayos" sa Maynila.

Dahil daw dito, nangako ang alkalde ng Philippine capital na makikipagtulungan ang Maynila sa national government.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

“In return, we will continue to reintegrate Manila to the national government, muli kong panawagan sa mga national agency wala na pong republic of Manila nowadays… There is only one republic, the republic of the Philippines led by President Rodrigo Roa Duterte,” sabi ni Moreno.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Manila is just one of 1,600 municipalities and cities all over the country, it just so happens that we are the capital, other than that wala na,” dagdag pa nito.

Sabi pa ng alkalde, bukas ang Maynila sa mga nagnanais na tumulong sa siyudad.

“Tulungan ninyo ako, tulungan ninyo kami sa mga pagawaing bayan na kakailanganin ng lungsod ng Maynila,” anito.

“Gusto niyo bang maging number one tayo ulit? sa ibabaw ha hindi sa ilalim… hindi ko po kayang mag isa yun, basta ako I’ll do my best… I’ll use all my energy, ideas and concepts towards a better direction, but I cannot do that alone, kailangan ko po ang tulong ninyong lahat,” dagdag pa ng Mayor.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: How Is Acid Supposed To Taste? Back in the streets with tricky questions, school program. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte breaks his silence over the supposed release of Antonio Sanchez

Pres. Duterte breaks his silence over the supposed release of Antonio Sanchez

President Duterte breaks his silence over the supposed release of Antonio Sanchez
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel