Nash Aguas, nagbigay pugay sa mga sundalo matapos sumabak sa scout ranger training
- Buong pagmamalaking ibinahagi ng aktor na si Nash Aguas ang ilan sa mga litratong kuha sa kanilang scout ranger training
- Ikinuwento niya din ang hirap na pinagdaanan sa training kung saan binalak niya diumanong tumakas noong unang gabi ng training
- Nagbigay pugay din siya sa lahat ng mga sundalo na kanyang inilarawan bilang mga tunay na idol
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa na ring Army reservist ang aktor na si Nash Aguas. Sumabak siya sa Soldiers Skills Orientation Training sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan. Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Nash ang kanyang naging karanasan habang nasa training.
Ayon pa kay Nash, naging mahirap ang training hindi lang physically kundi pati mentally. Ilan sa mga physical training na kanilang ginawa ay mag rappel sa 40ft tower, mag marcha sa bundok ng may 15kg na bag, pagpapatrol at marami pang iba.
Dahil sa hirap na dinanas ay binalak umano ni Nash na tumakas sa unang gabi ng kanilang training. Binalak niyang tumawag sa pamilya upang magpasundo.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Napagtanto niyang kailangan niyang tiisin at kayanin lahat iyon matapos sabihin diumano sa kanya na ang hirap na pinagdaanan niya ay normal lamang sa buhay ng mga sundalo.
Nagbigay pugay din siya sa lahat ng sundalo at sinabing sila ang mga tunay na idol.
Nakasama niya sa training sina Elmo Magalona, Jerome Ponce at Gerald Anderson bilang bahagi na rin ng paghahanda sa kanilang teleserye.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.
Naging bahagi ng showbiz si Nash sa kanyang edad na limang taong gulang sa noontime variety show MTB, matapos niya sumali sa paligsahan sa Batang F4 ng programa. Noong 2004, sumali siya sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest, kung saan nanalo siya ng titulong "Grand Kid Questor". Kilala siya bilang mainstay sa Sunday comedy gag show na Goin 'Bulilit.
Sa kanyang murang edad na 20 ay hinangaan ang kanyang husay sa paghawak ng kanyang kita sa kanyang pag-aartista. Bukod sa mga ari-arian ay may naipundar na rin siyang negosyo na nauna nang naiulat ng KAMI.
POPULAR: Read more about Nash Aguas here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: How Is Acid Supposed To Taste? | HumanMeter
Check out Human Meter's Tricky Questions. Do you want to have a good laugh? Check out this clip filmed in the Philippines.There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.
Source: KAMI.com.gh