'Misis', pinatitigil ang kasal ng kanya raw mister sa ibang babae

'Misis', pinatitigil ang kasal ng kanya raw mister sa ibang babae

- Viral ang video ng isang babae na lakas loob pinatigil ang isang kasalan

- Sinasabi kasi nitong siya raw ang tunay na asawa

- Nagtaka maging ang mga nakapanood ng maiksing video dahil hindi naman daw pwedeng ikasal ang sinuman kung di ito nakakuha ng certificate of no marriage o 'cenomar' sa Philippine Statistics office

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang nakakalokang video ng isang babaeng nagpatigil ng kasal ng sinasabi niyang 'mister.'

Binahagi ng Facebook na Makisayod ang video kung saan biglang pumasok ang babae at buong tapang na pinatitigil ang seremonya.

Aakalaing eksena sa isang pelikula ang biglaang pagpasok ng babae na may dala dala pang brown envelope na naglalaman daw ng dokumentong magpapatunay na siya ang tunay na asawa.

Sa video, naalarma ang paring namumuno sa kasal at mapapansing umalis sa altar ang groom ngunit di na naipakita pa ang mga sumunod na mga pangyayari.

Samantala, nagulat maging ang mga netizens sa pangyayaring ito.

Maging sila ay nagulat sa video dahil sa maaring isa sa groom o sa babaeng umeksena sa kasalan ang nagsasabi ng totoo.

Ngunit ang nakapagtataka raw sa pangyayari ay kung paano nakakuha ng Certificate of no Marriage ang lalaki kung kasal na siya sa babaeng nagpatigil ng kasal.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ang Certificate of no marriage o tinatawag na 'cenomar' ay kinukuha sa Philippine Statistics Office bilang katibayan na walang naitalang kasal ang isang indibidwal.

Isa ang cenomar sa mahalagang dokumento na dapat ihanda ng dalawang mag-iisang dibdib.

Kaya naman maaring isa sa mga dokumentong hawak ng groom o ng umeksenang babae ay 'peke.'

Bagaman at di na naging malinaw ang mga sumunod pang nangyari kung natuloy pa o hindi na ang kasalan, magsilbing babala ito sa publiko na di biro ang pagpasok sa buhay mag-asawa.

Ito ay sagradong pakikipag-ugnayan sa taong nais mong makasama habang buhay kaya naman bago sana pasukin ang sitwasyong ito, pag-isipan munang mabuti at higit sa lahat, siguraduhing walang taong niloloko gaya na lamang nang nangyari sa viral video.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel