Hinihinalang suspek sa pagbibenta ng iligal na droga, nagtangkang tumakas gamit ang 'wig'

Hinihinalang suspek sa pagbibenta ng iligal na droga, nagtangkang tumakas gamit ang 'wig'

- Tinangkang tumakas ng isang di umano'y pusher ng iligal na droga sa pagsusuot ng makapal na wig

- Bistado pa rin siya at nalamang nagtatago rin ito ng armas at mga bala

- Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek sa Antipolo city police station

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado ang sinasabing pusher ng Antipolo city na nakilalang si Bryan De Paz sa ikinasang operasyon sa Sito Broadway ng Barangay Dela Paz.

Sa kagustuhang makatakas, nagawa pa umano nitong magsuot ng kulot at makapal na wig upang di makilala.

Ngunit di ito nagtagumpay kaya naman nakuha rin sa kanya ang 19 na piraso ng maliliit na pakete ng hihinalang iligal na droga na nasa 30 gramo. Sinasabing aabot sa ₱200,000 ang halaga ng mga ito.

Hinihinalang suspek sa pagbibenta ng iligal na droga, nagtangkang tumakas gamit ang 'wig'

source: Antipolo city police
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Bukod pa rito, nilabag din niya ang Republic Act 10591, o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” dahil sa pagtatago ng armas na may bala.

Samantala, nagawa pa umanong itanggi ng suspek na wala raw siyang balak na tumakas at sadyang isinusuot lamang daw talaga niya ang wig.

Kasalukuyan na ngayon nakakulong ang suspek sa Antipolo City police station.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel