Video ng 8-year old drummer girl ng Lucena, viral

Video ng 8-year old drummer girl ng Lucena, viral

- Nag-viral ang video ng isang 8-taong gulang na batang babae na mahusay mag-drums

- Marami ang di makapaniwalang ganito na ito kagaling pumalo ng nasabing instrumento

- Hangad ng karamihan na makilala sana ang batang ito sa telebisyon dahil sa naiibang talento nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang batang si 'Fritzy' na napakahusay nang mag-drums.

Binahagi ng sinasabing mentor niya na si Cristopher Madrid ang ngayo'y viral video ng pagpalo ng 8 taong gulang na bata sa kanila mismong paaralan sa Lucena city.

Suot ang kanyang uniporme, siya ang nagsilbing accompaniment ng kanyang mga ka-eskwela para sa kanilang "yell."

Proud na proud ang ina ni Fritzy na si Plenx Quinto na pinalakas pa lalo ang loob ng anak sa pagsasabing tiyak na mananalo na ang mga ito.

Sadyang nakakabilib naman talaga ang pagtugtog ng batang ito na kung ikaw nga raw ay nakapikit at nakikinig lamang sa video, di mo aakalaking bata ang gumagawa nito at isa pang babae.

Hindi raw kasi 'basic' ang nalalaman nito sa pagtugtog ng naturang instrumento na kitang-kita naman sa video.

Kaya naman umani ito ng maraming positibong reaksyon at komento.

Marami rin ang nagsasabing sana ay makilala ang batang ito sa telebisyon dahil sa naiiba niyang talento.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"8 years old lang yan? Grabe! sobrang galing"
"Kung buntis ako ngayon, panonoorin ko to lagi para maging ganyan ang anak ko"
"Your sooo good now our Anday ! That’s really your passion, you were just 2 years old when you started playing drums!"
"Ang galing! kung ako magulang nito, nakaka-proud!"
"Sana mapanood siya sa TV, rare ang talent ni Fritzy"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel