Kaso ng dengue sa bansa, nasa 160,000 na!

Kaso ng dengue sa bansa, nasa 160,000 na!

- Umabot na sa 160,000 ang kaso ng degue sa bansa mula noong Enero ng kasalukuyang taon

- 661 ang kumpirmadong binawian ng buhay mula sa iba't-ibang panig ng bansa

- Sinasabing maari pa nitong lampasan ang 216,190 na naitala noon lamang 2018

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakaalarma na ang lumalalang kaso ng dengue sa bansa ngayon.

Sa kasalukuyan, umabot na sa bilang na 167,606 ang mga pasyenteng tinamaan ng dengue mula noong Enero 1 ng kasalukuyang taon ayon sa Department of Health.

Ayon sa panayam ng Philippine Star kay DOH Undersecretary Eric Domingo, ito raw ang pinakamataas na naitala sa loob ng limang taon.

Sinasabing sa nararanasang 'national outbreak', maari pa nitong malampasan ang 216,190 na bilang ng dengue cases noong 2018.

Dagdag pa ni Domingo, 10 rehiyon ang nakararanas ng sobrang bilang ng outbreak na ito na kinabibilangan ng Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Central Visayas, Western Mindanao, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Tinututukan din ang bilang ng dengue cases sa National Capital Region na tumaas pa lalo pagpasok ng Agosto.

Sinasabing ngayong buwan ng Agosto hanggang Nobyembre ang inaasahang 'peak' o pagtaas pa ng bilang ng dengue victims lalo na at ito raw ay panahon ng tag-ulan. Inaasahang huhupa ito pagpatak ng Disyembre.

Samantala, nakikipagtulungan din ang Armed Forces of the Philippines sa DOH sa pagdadala ng mga gamot at iba pang kagamitang medikal sa mga apektadong lugar.

Dahil dito, ibayong pag-iingat ang paalala sa publiko at wala rin daw masamang sumunod sa ilang mga viral tips na lumalabas sa social media upang makapagtaboy ng lamok para makaiwas sa dengue.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel