Part 2: Pasyente na naging GF ni Dok na isang plastic surgeon, nagpasaklolo kay Idol Raffy

Part 2: Pasyente na naging GF ni Dok na isang plastic surgeon, nagpasaklolo kay Idol Raffy

- Agad nasundan ang Part 1 ng kuwento ng isang plastic surgeon na doktor at ng naging karelasyon niyang pasyente

- Pinabalik kasi agad ni Idol Raffy ang complainant matapos makatanggap ng nakakabahalang impormasyon

- May mga bago ring pasabog si ate na talaga namang ipinag-alala ni Idol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinag-usapan at talaga namang nag-viral ang kuwento ni Jean Irene Mendoza matapos niyang ireklamo ang doktor at dati niyang karelasyon na si Dr. Khaimar Jumdain.

Matatandaang sa Part 1 ay dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' si Jean dahil sa labis na takot para sa sarili at sa kanyang pamilya dahil sa mga pagbabanta ni dok.

Nalaman ng KAMI na sa Part 2 ng kuwento nila, pinabalik agad ni Idol Raffy si Jean dahil sa natanggap nilang nakakabahalang impormasyon.

Ayon sa kuwento ni Jean, may nagpuntang mga pulis sa bahay nila ng madaling araw at may hinahanap daw na mga Chinese national.

Tinanong pa raw ng mga ito kung ilan silang nasa loob ng bahay at pinalabas silang lahat.

Si Dr. Khaimar ay dati ring isang pulis kaya naman talagang duda si Idol Raffy sa mga nangyari.

May mga bagong anggulo rin sa kuwento ni Jean kung saan nagbanta raw si dok na magpapakamatay ito kung hindi siya makikipagbalikan at tinutukan pa ang kanyang ulo ng baril.

Kaya naman nasabi ni Idol sa kanya "You are sick.. That's why you should not be treating people anymore."

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ito naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa kanilang viral na kuwento.

"Idol this guy is true psychopath ,sick sick person....he has a crazy mind game set that he thought he can manipulate anyone"
"Word of the day..."Di Ko Po Alam Yan!"hehe how many times you denied your wrong actions and words."
"Dalhin na sa mental ang doctor na yang...idol laki ng sira sa ulo ng Doctor."
"Part 3 po please.. This is the second time na ginawa nya yan sa babae so that means na pwed nya pa ulit gawn yan sa iba kaht na naireklamo na cya.. Tsk tsk.. walang kadala dala.."
""Sir, trust me, trust me. Kung kayo po ay nakikipagsabwatan kay major I'll do everything in my power pati ikaw sir, ipasisibak ko." SAVAGE."
"Ang bilis mgslita ni mamang pulis, prang hinahabol ng sampung devils."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang mister na dentista ang pinagpalit ang kanyang misis at tatlong anak sa isang 19-anyos na kabit.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Tricky Questions, our team asked people how acid is supposed to taste! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel