Lalaking mahigit dalawang oras na umaawit ng 'high-pitched songs', bumigay ang baga

Lalaking mahigit dalawang oras na umaawit ng 'high-pitched songs', bumigay ang baga

- Bumigay ang baga ng isang 65-anyos na lalaki sa China dahil lamang sa pagkanta

- Napag-alamang nasa 10 na mga kinanta nito ang may matataas na nota na sinasabing dahilan ng pagbigay ng baga

- Matapos ang ilang oras sa Karaoke, nakaramdam na siya ng pananakit ng dibdib ngunit di niya agad ito ininda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang lahat ng labis ay nakasasama. Gaya na lamang ng nangyari sa isang 65-anyos na Chinese na ito na nakaramdam ng pananakit ng dibdib matapos ang ilang oras na pagkanta sa videoke.

Ayon sa South China Morning post, mahilig talagang mag-videoke ang senior na ito na may apelyidong Wang.

Katunayan, di alintana sa kanya kung abutin man siya ng ilang oras na pagkanta sa videoke.

Ngunit matapos ang nasa 10 kanta na puro may matataas na nota, nakaramdam si Wang ng pananakit ng dibdib ngunit di niya agad ito pinansin.

Nang makauwi sa kanilang bahay, doon tila kakaiba ang sakit at di na niya ito basta makaya kaya naman isinugod na siya sa ospital.

Lalaking mahigit dalawang oras na umaawit ng 'high-pitched songs', bumigay ang baga

source: Getty images
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Napag-alaman ng doktor na ang pagkanta nito ng may matataas na nota ang dahilan ng pagbigay o pagkasira ng kanyang baga.

Ayon kay Peng Bin-fei, doctor mula sa emergency department ng Nanchang hospital na siyang tumingin kay Wang, di raw nakabubuti sa kalusugan ang mahigit dalawang oras na pagkanta ng lalo na ng mga awiting may matataas na nota.

Kwento naman mismo ni Wang, di niya akalaing ganito ang kahihinatnan ng kanya sanang pampa-relax.

Magsilbing aral ito lalo na sa mga mahihilig mag-videoke lalo pa at madalas sabayan ito ng pag-inom ng alak.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel