22-anyos na may down syndrome, masayang nagtatrabaho sa Shakey's Monumento

22-anyos na may down syndrome, masayang nagtatrabaho sa Shakey's Monumento

- Nag-viral ang larawan ng babaeng may down syndrome na masayang nagtatrabaho sa isang branch ng Shakey's Pizza sa Caloocan

- Proud ang SPED teacher niya na siyang nagbahagi ng mga larawan ng kanyang estudyante

- Umabot sa 10,000 na positibong reasksyon ang naturang post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakatuwang pagmasdan ang mga larawan ng 22-anyos na si Rica Joy Lopez na nagtatrabaho bilang crew sa Shakey's Monumento sa Caloocan.

Ang nakamamangha kasi rito, may down syndrome si Rica Joy ngunit nabigyan pa rin siya ng pagkakataon na makaranas na magkaroon ng ganitong tungkulin.

Proud ang Special Education teacher ni Rica Joy na si Teacher Belle na siyang nagbahagi ng mga larawan ng estudyante.

Sa kanyang post, pinasalamatan niya ang Shakeys na siyang naging partner ng Down Syndrome Association of the Philippines (DSAPI) kung saan aktibong miyembro si Rica Joy.

Tinawag nila ang partnership na ito na “Love ‘Em Down” na naglalayong bigyan ng gawain ang mga may down syndrome upang magkaroon sila ng tiyansang makihalubilo sa mga tao at magkaroon din ng tiwala sa sarili.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Nilinaw din ng guro na di full employment ang kontrata ng kanyang naging estudyante.

Tatlong oras sa isang araw at tatlong beses lamang sa isang linggo ito pumapasok.

Simple lamang ang gawain ni Rica Joy. Siya ang babati sa mga customer pagpasok pa lang nila sa store. Si Rica Joy din ang naglalagay ng mga place mat sa mga mesa. Nagwawalis din sila at nagpupunas ng mesa.

Lahat ng ito ay nagagampanan ni Rica Joy ng maayos at di nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Napakagandang simula raw nito upang mahikayat ang iba pang tulad ni Rica Joy na magkaroon ng tsansang makaranas na maghanapbuhay.

Nakatutuwang umabot sa mahigit 10,000 positibong reaksyon ang post ni Teacher Belle at umani ito ng sandamakmak na papuri.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's lives have changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nagreact sa larawan ni Catriona Gray ang isang pamilya

Netizens, nagreact sa larawan ni Catriona Gray ang isang pamilya

Netizens, may napansin sa larawan ni Catriona Gray at ng isang pamilya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel