Batang kalye, nagmalasakit pakainin ang bulag na di niya kilala

Batang kalye, nagmalasakit pakainin ang bulag na di niya kilala

- Viral ang larawan ng batang kalye na tumulong sa lalaking walang paningin na makakain

- Di raw magkakilala ang dalawa at nakakagulat na ginawa ito ng bata sa lalaki

- Umani ng papuri ang pagmamalasakit ng batang lalaki sa bulag at hangad ng karamihan na matulungan ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakakatunaw ng puso ang larawang binahagi ng netizen na si Carel Shari Cabulao na nagpapakita ng larawan ng isang bata na sinusubuan ng pagkain ang isang lalaking walang paningin sa Cebu.

Sa unang tingin, nakakaantig ito na aakalaing mag-ama ang dalawa.

Ngunit sa caption ng larawan, sinabing di pala sila magkaano-ano.

Sa panayam pa ng News5 sa nag-upload, sinabi nitong nakita lang pala ng batang lansangan na nahihirapang kumain ang lalaking bulag kaya nagkusa siyang subuan ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Maging sina Carel ay nagulat nang lumapit ang bata sa lalaki at sinubuan upang makakain ng maayos.

Ayon pa sa uploader, di naman daw pala lahat ng batang lansangan at puro kalokohan na ang alam gawin.

Pruweba ang larawang ito na sila'y mga inosenteng paslit na may ginintuang puso ngunit di pinalad na magkaroon ng maayos na estado sa buhay sa murang edad.

Dahil dito, umani ng papuri ang bata at hangad din ng netizens na matulungan sila maging ang lalaking walang paningin.

Nasa 27,000 na ang mga positibong reaksyon ng naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
President Duterte breaks his silence over the supposed release of Antonio Sanchez

President Duterte breaks his silence over the supposed release of Antonio Sanchez

President Duterte breaks his silence over the supposed release of Antonio Sanchez
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel