Unipormadong pulis, huli-cam nang manutok ng shotgun sa isang motorista

Unipormadong pulis, huli-cam nang manutok ng shotgun sa isang motorista

- Sibak sa pwesto ang pulis na nakuhanang nanutok ng baril sa isang motorista sa Commonwealth Avenue noong July 26

- Sa dashcam video na ipinakita ng motorista kay NCRPO chief Eleazar, kita ang buong insidente

- Inihahanda na ang mga kasong kriminal at administratibo laban sa pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sibak sa pwesto ang pulis na si Master Sgt. Wilson Aquino, mula sa tactical motorized reaction unit ng Quezon City Police District Station 3.

Inihahanda na rin ang mga kasong kriminal at administratibo laban dito.

Ito ay matapos itong ireklamo ng isang motorista kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

Sa isang dashcam video na ipinakita ng mototrista, makikitang tinutukan ito ng baril ni Aquino. Kita rin ang paglalabas ng pulis ng kanyang shotgun bago pinuntahan ang motorista.

Base sa kuha ng dashcam ng motorista noong July 26 sa Commonwealth Avenue, makikitang nag-overtake ang puting SUV kung saan nakasakay si Aquino.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Kasunod nito ang isa pang puting SUV na ayon sa motorista ay hindi niya napagbigyan. Hindi raw kasi niya alam na naka-convoy ang mga ito.

May isa pang lalaki sa SUV na kinalululanan ni Aquino ang lumabas rin at isa pang lalaking naka-unipormeng pulis ang lumabas naman mula sa isang SUV.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maririnig pa na hinihingi ng mga pulis ang lisensiya ng motorista.

Makailang beses ding maririnig ang paghingi ng paumanhin ng motorista sa mga pulis.

Ayon naman kasy chief Eleazar, dapat na bigyan ng courtesy ang mga official convoy lalo at marked vehicles, ngunit sa insidenteng ito, kita na pribadong sasakyan ang mga ito.

"Clearly nakita natin 'yong pagkakamali ng police natin doon... We are here to serve and protect, not to intimidate or threaten our citizens," anito sa panayam ng ABS-CBN News.

Napag-alaman pang naka-leave si Aquino nang mangyari ang insidente. Ipapatawag ito pagbalik sa August 20.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jennylyn Mercado Reveals Her Favorite StarStruck Finalist -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel