Pinoy designer, ikinagulat na suot ni Gazini Ganados ang kanyang "missing dress"

Pinoy designer, ikinagulat na suot ni Gazini Ganados ang kanyang "missing dress"

- Ikinagulat ng London-based Filipino designer na si Lesley Mobo nang makita ang matagal na daw niyang nawawalang design

- Ang mas ikinagulat nito ay nang makita itong ibinebenta online at suot ni Miss Universe Philippines 2019 na si Gazini Ganados

- Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay ipinaalam niya ang tungkol dito bagamat binura rin niya ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na ikinagulat ng London-based Filipino designer na si Lesley Mobo nang makita ang nawawalang design niya pagkalipas ng ilang taon.

Ngunit ang mas ikinagulat daw nito ay makitang ibinebenta na ito online at suot ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.

Ayon pa kay Mobo, taong 2015 pa nang mawala ang partikular na design na ito.

“What would u do if u…find your missing archive dress suddenly being worn by a beauty queen and u’r not even aware of it…and not even credited," he said.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

"I think she looks good of it…but…could do with a little help.. been looking for it since 2015 (how it landed there?).how can I get it back? should I buy it back? can I even buy it back?” he added.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ito ang caption ni Mobo sa kanyang Facebook post base sa screenshot na nakuha ng PhilStar at kalakip nito ang isang larawan ni Ganados mula sa isa nitong Instagram post kung saan suot ng beauty queen ang sinasabing "missing dress".

Sa isa pang FB post ito, isa namang screenshot ng isang online shopping site kung saan makikita ang sinasabi nitong missing dress ang ibinahagi ng designer.

“Omg someone just sent this to me..someone out there is letting or selling this gown? But with a retail price? How come? Hindi naman for sale ang damit? What website is this please! Can I buy it privately?” anito sa caption.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jennylyn Mercado Reveals Her Favorite StarStruck Finalist -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel