Babaeng putol ang mga binti, di pinapasok sa BIR dahil siya raw ay 'naka-shorts'

Babaeng putol ang mga binti, di pinapasok sa BIR dahil siya raw ay 'naka-shorts'

- Viral ang post ng isang PWD na di pinapasok sa BIR dahil daw siya ay nakasuot lamang ng shorts

- Laking gulat ng babae dahil kita naman daw ng guwardiya na wala siyang mga binti, inaasahan pa rin daw nitong magsuot ito ng pantalon

- Ngunit nang bumalik na raw sila muli sa BIR, di naman na raw sila sinita pa muli nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di pinapasok ang PWD na si Nancy Torrelino Boroc sa Bureau of Internal Revenue o BIR sa Calbayog City dahil daw di akma ang kasuotan nito para sa tanggapan.

Ayon sa kanyang viral post, laking gulat niya nang sitahin siya ng guard ng BIR dahil sa nakasuot siya ng shorts na pinagbabawal doon.

Nagtaka si Nancy dahil sa kitang-kita naman daw na wala siyang mga binti, tila inaasahan pa ng guard na magsuot siya ng mahaba tulad ng pantalon.

Mahinahon na umalis si Nancy kasama ang nobyo.

Nang sila ay bumalik, shorts pa rin ang pang-ibaba ni Nancy. Nagulat silang nakapasok na sila nang di na sinisita.

Marahil na may nakapagsabi na raw sa guwardiya ang tungkol sa kalagayan ng mga PWD na tulad ni Nancy.

Maayos ang naging transaksyon nila sa tanggapan at maayos na rin silang pinapasok ng guwardiya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Nilinaw ni Nancy na ginawa niya ito di upang pahiyain ang guwardiya kundi para maimulat ang publiko na may nararanasang ganitong sitwasyon ang tulad niyang PWD.

Nararapat lamang daw na may kaalaman ang mga security guards sa wastong pakikitungo sa mga PWDs, buntis o maging senior citizen na mas nangangailangan ng pag-alalay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's lives have changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel