MMDA Spokesperson, nagreklamo sa ABS-CBN laban sa reporter na si Doris Bigornia

MMDA Spokesperson, nagreklamo sa ABS-CBN laban sa reporter na si Doris Bigornia

- Nagsampa ng kaso si MMDA Spokesperson Celine Pialago laban sa ABS-CBN reporter na si Doris Bigornia dahil sa umano'y pananakit nito sa kanya

- Nakarating na rin ito sa opisina ng ABS-CBN News and Current Affairs Division Head at kasalukuyan na itong iniimbestigahan

-Bukod sa pananakit ay nagpakita pa ito ng "rude behaviour" ayon kay Pialogo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pinalampas ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago ang ginawa sa kanya ng ABS-CBN reporter na si Doris Bigornia.

Ayon sa ulat ng Pinoy Trending, nagreklamo sa pamunuan ng ABS-CBN si Pialogo laban kay Bigornia dahil sa umano'y pananakit at paninira nito sa kanya.

Bukod sa pananakit ay nagpakita rin umano ng kabastusan sa kanya ang nasabing reporter.

Ayon sa complaint ni Pialogo, hindi sinasadyang nabunggo niya si Bigornia habang nasa isang fire drill sa Makati City hall.

Ngunit sa kabila ng kanyang paghingi ng paumanhin ay sinaktan pa raw siya nito at sinigaw-sigawan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

“I accidentally bumped into Ms. Bigornia. I apologized to her but instead she struck me and kept shouting at me as if I deliberately did it,” ayon sa reklamo ni Pialogo.

Nabanggit rin ni Pialogo ang ilang insidente kung saan ilang beses umano siyang hiniya ng reporter.

“During a press conference she shouted to her camera operator, Si GM lang kukunan mo sa frame wag mo isama yang katabi niya," anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ibinahagi rin ni Pialogo ang isang insidente kung saan nagkaroon ng kalituhan sa number coding scheme.

Ipinapaliwanag umano ng ilang top MMDA officials ang sitwasyon nang sumigaw si Bigornia at sinabing: "Ano bang pinagsasabi ng spokesperson niyo?"

Inakusahan din ng MMDA Spokesperson ng paninira ang mamamahayag ng Dos.

“She was backstabbing me, saying my nose is fake, my body is fake, and everything about me is fake and that is totally below the belt,” anito.

Nakarating na rin sa opisina ng ABS-CBN News and Current Affairs Division Head na si Ging Reyes ang reklamo at nangakong iimbestigahan ang insidente.

“If Miss Bigornia had any delicadeza, or actually, any sense of decency at all, she would not spread rumors inside our own office,” sabi pa ni Pialogo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jennylyn Mercado Reveals Her Favorite StarStruck Finalist -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel