Groom na gumamit ng murang insulin upang makatipid para sa kasal, pumanaw

Groom na gumamit ng murang insulin upang makatipid para sa kasal, pumanaw

- Natagpuang walang malay ang isang diabetic na lalaki matapos nitong gumamit ng mas murang insulin

- Sinasabing nagtitipid daw ito para sa kasal na gaganapin sana sa Oktubre ng taong kasalukuyan

- Masakit man sa kanyang pamilya, ang mga ito na rin ang nagdesisyon na tanggalin ang kanyang life support

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 27 taong gulang na groom ang natagpuang walang malay sa kanyang trabaho sa Northern Virginia sa USA.

Ayon sa LADBible, nakatakdang ikasal si Josh Wilkerson at kanyang fiancee' na si Renee sa Oktubre ng kasalukuyang taon.

Groom na gumamit ng murang insulin upang makatipid para sa kasal, pumanaw

source: Facebook/Josh Wilkerson
Source: Facebook

Kaya naman daw todo ang pagtitipid nito na maging ang kanyang insulin na ginagamit ay iyong mas mura na lamang upang makabawas sa gastusin.

Diabetic si Josh at sadyang mahal ang kanyang medikasyon. Di na rin pasok ang kanyang edad sa health card ng kanyang stepdad, kaya naman mas lalong naging mabigat sa bulsa ang kanyang gamutan.

Umaabot ng nasa $1,200 o nasa ₱63,000 ang ginagastos niya sa kanyang insulin pa lamang sa isang buwan.

Groom na gumamit ng murang insulin upang makatipid para sa kasal, pumanaw

source: Facebook/ Josh Wilkerson
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Kaya naman nang makahanap ito ng alternatibo at mas mura nang 10 beses na insulin, kinagat ito ni Josh kahit di pa sanay ang katawan niya rito.

Sa kasamaang palad, hindi talaga naging maganda ang reaksyon nito sa kanyang katawan. Nang makita siyang walang malay sa kanyang trabaho, dumanas na pala siya ng stroke at agad siyang naging diabetic coma.

Life support na lamang ang bumubuhay kay Josh kaya kahit napakasakit sa kalooban ng kanyang pamilya, ay tinanggal na rin ito sa kawalang pag-asa na maibabalik pa siya sa dati.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks up about how his and Marian's lives have changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel