Burger chain, ₱50,000 ang bayad sa empleyadong titikim lang ng bacon maghapon

Burger chain, ₱50,000 ang bayad sa empleyadong titikim lang ng bacon maghapon

- Handang magpasahod ng $1,000 ang isang burger chain sa USA sa isang araw

- Wala raw itong ibang gagawin kundi ang tumikim at kumain ng bacon maghapon

- Hindi gaanong mabigat ang kwalipikasyon ng hinahanap na empleyado basta ito ay nasa 18 taong gulang pataas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa ng ingay ang isang anunsyo ng burger chain sa Amerika, ang Farmer's Boys Foods kung saan nakakalula ang halaga ng balak nilang ibayad sa empleyadong walang ibang gagawin kundi ang kumain ng bacon.

Ayon sa 9Gag, $1,000 o nasa ₱50,000 ang handang ibayad ng burger chain sa hinahanap na empleyado.

Wala raw itong gagawin kundi tikman ang nasa menu ng burger chain na mayroong bacon. Titikman nila ito at susuriin ang bacon ayon sa lasa at kapal nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Maari rin nitong matikman ang mga bagong pagkain na hindi pa naisa-publiko.

Simple lang ang kwalipikasyon ng burger chain. Syempre, dapat mahilig at may kaalaman ito sa "bacon." 18 taong gulang pataas at naka-set sa public ang social media accounts at may hashtag na #FarmerBoysBaconIntern sa kanilang caption.

Handa rin daw dapat na magbiyahe patungong Southern California sakaling mapili sa naturang internship.

Ang lahat ng entry ay dapat mai-sumite bago mag Agosto 20.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks up about how his and Marian's lives have changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel