Mister, nahuli ang misis na nasa 'dating app' nang maka-match niya ito

Mister, nahuli ang misis na nasa 'dating app' nang maka-match niya ito

- Nagulat ang mister nang makita ang misis sa 'dating app' na Tinder

- Ang mas nakakagulat pa rito ay match pa rin silang dalawa

- Hindi alam ng mister kung paano niya matatanong ang misis tungkol dito dahil matatanong din siya nito tungkol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang mister ang kakaibang karanasan niya sa 'dating app' na Tinder.

Laking gulat niya kasing makita roon ang misis na 'perfect match' pa rin para sa kanya.

Ayon sa Yahoo, nagsimula raw makaramdam ng lungkot ang mister nang magkaroon ng out-of-town business trip ang kanyang misis.

Doon, naisipan niyang mag-download ng Tinder, isa sa mga kilalang 'dating app.'

Hindi raw niya talaga alam bakit niya nai-download ito gayung wala naman siyang balak na lokohin ang misis.

Nang tumitingin lamang siya sa kung ano ang meron sa app na ito, laking gulat niya nang makita ang misis.

Nagawa niyang "i-swipe right" ang larawan ng misis at laking gulat nito na match sila.

Sa Tinder, maaring i-swipe left o swipe right ang profile ng tao. Swipe left kung di ka interesado at swipe right kung nagustuhan mo ang kanyang larawan at ang maiksing pagpapakilala nito sa kanyang sarili.

Ngayon, mas malaking problema raw ang hinaharap ng lalaki. Hindi niya alam kung paano mako-kompronta ang misis.

Di niya tuloy maiwasang magduda na maaring wala nga sa business trip ang kanyang asawa.

Kaya naman humingi siya ng payo sa mga netizens kung ano ang mainam na paraan paano mapapaamin ang misis.

Mister na nagtangkang makipag-date sa iba, laking gulat nang maka-match ang misis sa 'dating site'

source: Getty images
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Narito naman ang ilan sa mga sagot ng netizens:

"Are you sure it's her? What If that person uses the identity of your wife."
"Try to be honest with each other"
"Bakit ka magagalit e andun ka nga rin, baka sabihin lang ng misis mo, bakit ka andun?"
"Baka naman alam ng misis mo na asa Tinder ka?"
"Ayaw mo pa non? match pa rin talaga kayo?"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's lives have changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel