OFW na nangaliwa, ipapadeport ni idol Raffy! Anak at kabit nito, nagharap naman

OFW na nangaliwa, ipapadeport ni idol Raffy! Anak at kabit nito, nagharap naman

- Matapos i-ere ang reklamo ng isang babae kaugnay sa pangangaliwa ng kanyang nanay ay nakaharap naman niya ang kabit nito

- Tila handa namang makulong ang kabit ni nanay na inamin na rin ang kanyang kasalanan

- Habang ang ginang na isang OFW sa Kuwait ay ipapa-deport naman daw ni Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagkaroon ng pagkakataong magharap ang babae na si Marianne Perea at ang kalaguyo ng kanyang nanay na si Cheryl Perea, 45, na kinilalang si Rey Allen Ponce, 31.

Una nang inireklamo ni Marianne si Rey at ang nanay niya sa programang Aksyon sa TV5, na naibalita na rin ng KAMI.

Giit nito, si Rey raw ang nakikinabang sa pinaghihirapan ng kanilang nanay na isang OFW sa Kuwait.

Una naman itong itinanggi ni Rey ngunit inamin rin nito nang sila ay magharap na, na siya raw ay nakakasira ng pamilya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Humingi rin ito ng patawad kay Marianne ngunit hindi na rin ito tinanggap pa ng babae na labis ang sama ng loob.

Ayon pa kay Marianne ay sinira ni Rey ang kanilang pamilya at halos ikamatay na raw ito ng kanilang padre de pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman desidido ito na sampahan ng kaso ang lalaking sumira sa kanilang maayos na pamilya.

Samantala, idinahilan naman ni Rey na ang ipinapadalang pera ni Cheryl sa kanya ay para raw sa utang ni Cheryl sa kapatid nito at sa kanya lang idinadaan.

Ganunpaman, nanatiling matigas si Marianne. Maging ang nanay nito na si Cheryl ay nais na rin daw nilang makulong.

Nangako naman si idol Raffy na tutulungan ang pamilya ni Marianne para maipa-deport ang ginang.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jennylyn Mercado Reveals Her Favorite StarStruck Finalist -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel