Aktwal na pangho-holdap sa isang estudyante, sapul sa CCTV

Aktwal na pangho-holdap sa isang estudyante, sapul sa CCTV

- Sapul sa CCTV ang pagsalubong ng isang holdaper sa biktima niyang estudyante

- Maliwanag pa nang mangyari ang holdapan ngunit mapapansing nag-iisa lamang na dumaan ang babae sa kalsada sa Sta. Ana Manila

- Sana'y mahuli raw ang suspek na tiyak na mananagot sa Mayor ng Maynila na si Isko Moreno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakaaalarma ang kuha ng CCTV sa Havana St. Cor. Leiva, Sta. Ana, Manila kung saan nang-holdap ang lalaking naka-motor sa isang estudyanteng naglalakad.

Naganap ito noong Agosto 6, at makikita sa video na binahagi ng Filipino Hot Topics na maliwanag pa nang mangyari ang holdapan.

Mapapansing mag-isa lamang na naglalakad ang estudyante na hawak ang kanyang cellphone nang biglang sumalubong ang isang lalaking nakasakay sa motor.

Ang nakakatakot dito, may hawak nang baril ang lalaki na pasimple niyang tinutok sa kanyang biktima.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sa takot, naibigay ng estudyante ang hawak niyang cellphone. Mabuti na lamang at ligtas ang biktima na agad na nai-report ang pangyayari sa kanilang barangay.

Doon pinayuhan din siyang huwag na munang dumaan sa kalye kung saan naganap ang holdapan at hangga't maari ay huwag na muna itong lumakad mag-isa.

Sa caption ng post, sinasabing ipakalat nga raw ang video upang matugis na ang suspek at tiyak na mananagot din ito sa butihing alkalde ng Lungsod ng Maynila na si Mayor Isko Moreno.

Maging babala ito sa publiko na sadyang wala nang pinipiling oras at lugar ang mga gumagawa ng krimen.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks up about how his and Marian's lives have changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Teenage pregnancy is now a ‘national social emergency’

Teenage pregnancy is now a ‘national social emergency’

Teenage pregnancy now acknowledged as ‘national social emergency’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel