Lalaking may sakit sa puso, inatake sa loob ng Asylum Manila

Lalaking may sakit sa puso, inatake sa loob ng Asylum Manila

- Nagbigay ng pahayag ang pamunuan ng horror house na Asylum Manila matapos mamatay ang isang lalaki habang nasa loob nito

- Nag-alok din ng tulong ang Asylum Manila sa pamilyang naulila ng biktima

- Giit naman ng asawa ng lalaki, walang first aid na ibinigay ang horror house nang mangyari ang insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala raw dapat sisihin ayon sa pamunuan ng Asylum Manila sa pagkamatay ng isang lalaki habang nasa loob ng horror house.

Base sa ulat ng GMA News, may komplikasyon sa puso ang biktima na kinilalang si Arlan Eusebio at pumirma ng waiver bago pumasok sa loob ng viral na horror house.

Aminado naman ang misis nito na si Hershey Eusebio, na may diabetes at komplikasyon sa puso ang kanyang mister.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ngunit ayon sa panayam sa ginang, wala raw first aid na ibinigay sa asawa niya ang Asylum Manila.

Halos 30 minutos daw itong naroon ngunit wala man lang daw nag-assist dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang pahayag na ibinigay ng Asylum Manila, sinabi ng mga ito na ikinalulungkot nila ang pangyayari at nakikiramay raw ang mga ito sa naulilang pamilya.

Pero nilinaw ng mga ito na hindi nila kasalanan ang insidente. Sinabi rin ng mga ito na hindi dapat pumapasok sa mga ganitong atraksyon ang mga taong may iniindang sakit.

Nag-alok na rin daw ng tulong ang mga ito sa pamilya ni Arlan.

Ayon sa ulat, dalawang linggo daw pinagplanuhan ng magkakaibigan ang pagbisita sa horror house matapos na mag-viral ang video nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jennylyn Mercado Reveals Her Favorite StarStruck Finalist -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel