Lola na nagtitinda ng kakanin, kinapulutan ng aral ng isang netizen

Lola na nagtitinda ng kakanin, kinapulutan ng aral ng isang netizen

- Viral ang nakakaantig na post ng isang netizen tungkol sa lola na nagbebenta ng kakanin

- Di raw niya akalaing may aral siyang mapupulot sa sitwasyon ng matanda

- Maraming netizens ang sumang-ayon sa napagtanto ng nag-post tungkol sa kalagayan ng lolang tindera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig ang puso sa post ng netizen na si Angelo Aurelio tungkol sa isang matandang babae na nabilhan niya ng kakanin isang gabi na siya'y pauwi.

Binahagi rin ito ng Facebook page na The Story of Anthony at binahagi rin ang larawan ng lola.

Pinaaalis na raw talaga ng Public Order and Safety Division o POSD ng lugar ang lola ngunit nakiusap ang isang baabe na patapusin na rin muna siyang makabili sa tindera.

Nang mag-eempake na ang matanda, napansin ni Angelo na kalmado ito at mayroon pa ring maaliwalas na mukha sa kabila ng pagpapaalis sa kanya ng POSD.

Maging si Angelo ay pumigil muli sa POSD nang mapansing may paninda pa rin ang lola.

Sinabi niyang bibili rin siya at tinanong kung mayroon itong paninda na halagang ₱50. Wala na raw ayon sa matanda dahil ₱70 raw ang halaga nito.

Ngunit di siya binigo ng lola at sinabing mabibili ni Angelo ang mga kakanin sa halagang ₱50.

Halos maluha ang lalaki kaya naman imbis na ₱50 ang ibayad ay ₱100 ang kanyang binigay sa matanda sabay sabing umuwi na ito at magpahinga.

Doon tila bunuhusan daw ng realidad si Angelo.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Kahanga-hanga raw kasi ang lola na sa kanyang edad, di ito nanghihingi o namamalimos at lumalaban ito ng patas sa buhay.

Nakadagdag pa sa paghanga ni Angelo ang kabaitan ng matanda na hindi nagawang mandaya ng kanyang paninda at nagawa pa nitong ibigay sa mas murang halaga.

Hindi rin ito nagalit nang pinaaalis na ito ng POSD at mahinahong nag-empake.

Dahil sa sitwasyong ito, kasama ng kanyang mga napagtanto mula rito, di raw talaga naiwasang maiyak ni Angelo habang sinusulat ang post.

Samantala, sinang-ayunan naman siya ng mga netizens na humanga rin sa pinakitang ugali ng lola.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Tama, minsan kung sino pa ang walang-wala sila pa yung marunong magbigay"
"Nakakaiyak, sana dumami rin ang tulad mo na may ginintuang puso na handang tumulong sa paraang kaya mo"
"Sana makahanap ng pwesto si lola na di siya mapapaalis para naman may kitain siya"
"Nakakbilib si lola, maaliwalas pa rin at kalmado ang mukha"
"Saludo rin kami sayo sir, mabuti ang iyong kalooban para makita rin ang kabutihan ni lola"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel