Raffy Tulfo, inimbitahan sina Bea, Gerald at Julia sa kanyang programa upang magkaayos na

Raffy Tulfo, inimbitahan sina Bea, Gerald at Julia sa kanyang programa upang magkaayos na

- Nagbiro si Raffy Tulfo sa ere nang sabihin niyang bukas ang kanyang programa sa kontrobersyal na mga artista ngayon na sina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto

- Magpapa-ice cream pa raw siya sakaling dumating ang tatlo habang naghihintay na ma-ere sila Raffy Tulfo in Action

- Natatawa na lamang si Idol Raffy dahil pati raw siya ang nadadamay sa kontrobersiya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kilala ang programa ni Raffy Tulfo sa pag-aareglo ng iba't-ibang klaseng problema na nararanasan ng mga Pinoy.

Kaya naman maging ang kontrobersyal ngayon na sinasabing alitan sa pagitan ng mga sikat na artista na sina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto at nais na ring ayusin ni Idol Raffy.

Sa pagtatapos ng kanyang programang Aksyon sa News5 nitong Miyerkulas, Agosto 7, nagbiro si Tulfo at sinabing bukas ang Action center mula Lunes hanggang Biyernes para sa tatlo.

Libre pa raw ang kape at biskwit sa Anchor's lounge bago sila isalang sa "hot seat."

Ngunit dahil mga sikat na celebrities ang mga ito, magpapa-ice cream pa raw si Idol Raffy kung sila ay dumating upang magkaayos.

Tinawag nila itong "Team Areglo" para lamang magkaayos na raw ang tatlo gaya ng mga nagiging panauhin ni Idol Raffy sa kanyang programa.

Tila walang kaalam-alam talaga sa detalye ng pangyayari si Tulfo dahil tinanong pa niya kung sino ang dapat na magkabalikan sa tatlo.

Nasabi pa tuloy ng sikat na host na bigyan na lamang ng bagong "pag-asa" si Julia sa kung sino ang maari niyang maging boyfriend.

Narito ang kabuuan ng video na mula sa Facebook ng News5:

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Bago magtapos ang video, nagbiro pa si Idol Raffy na pati raw siya ay nadamay sa chismis.

Labis na natuwa ang mga netizens sa reaksyon na ito ni Tulfo, kaya naman mabilis na nag-viral ang video.

Magpasa-hanggang ngayon ay gumagawa ng ingay ang tatlong sikat na mga artista ng Kapamilya network.

Nagsimula ito nang maglabas ng kontrobersyal na post si Bea ukol sa sinasabing pagtatapos ng relasyon niya kay Gerald. Ito ay matapos kumalat ang mga larawan nina Julia at Gerald sa party umano ni Rayver Cruz.

Samantala, magkasunod halos na naglabas ng pahayag sina Gerald at Julia at sinasabing wala umano silang kaugnayan sa isa't-isa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Batuhan ng 'hugot lines' ng teacher at estudyante, mahigit 3 million views na

Batuhan ng 'hugot lines' ng teacher at estudyante, mahigit 3 million views na

Batuhan ng 'hugot lines' ng teacher at estudyante, 3 million views na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel