Mayor Isko signs deal to provide free WiFi in Manila

Mayor Isko signs deal to provide free WiFi in Manila

- Pirmado na ni Manila Mayor Isko Moreno ang partnership nito sa Smart/PLDT sa paglalagay ng free WiFi

- Anim na mahahalagang lugar muna sa Manila ang magkakaroon ng paunang serbisyong ito

- Nasa 30-minuto rin ang tagal na maaring magamit ang free wifi sa isang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumpirmado na ang pagkakaroon ng free WiFi access sa ilang mahahalagang lugar sa Maynila.

Ito ay matapos pumirma ng kasunduan sina Manila city Mayor Isko Moreno at ng PLDT President Manuel Pangilinan sa Manila city hall umaga ng Miyerkules, Agosto 7.

30-minuto kada araw maaring magamit ang free WiFi sa Manila City Hall, Ospital ng Maynila, Tondo Medical Center, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Universidad de Manila at Museo Pambata.

“This partnership will empower Filipinos across the city who can use it to keep in touch with their families or connect their workplaces and further their businesses,” ayon sa panayam ni Katrina Domingo ng ABS-CBN sa Smart/PLDT Inc.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Inuna ang mga naturang lugar upang mas mapadali ang mga transaksyon at komunikasyon na madalas maging problema ng ganitong klaseng pook.

Isa na naman ito sa mga pangunang proyekto ng bagong Mayor ng Maynila na tiyak na pakaabangan ng mga Manileños.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel