Mayor Isko, pinarangalan ang matapang na pulis na mag-isang tumugis sa snatcher

Mayor Isko, pinarangalan ang matapang na pulis na mag-isang tumugis sa snatcher

- Kinilala na ang magiting na pulis na si Patrolman Jonathan Stanley Dionisio sa viral video

- Mag-isa nitong tinugis ang snatcher na nagtangka pang tumakas

- Bukod sa binigay na parangal ni Mayor Isko Moreno, nabigyan din ang pulis ng pabuya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natupad ang kahilingan ng mga netizens na maparangalan ang pulis sa viral video ni Gerald Dumasal.

Una nang binalita ng KAMI na kuha ang maaksyong tagpo ng pulis at tinutugis nitong snatcher sa dashcam ni Gerald.

Kitang-kita kasi rito ang katapangan na pinakita ng PAT. Jonathan Stanley Dionisio nang habulin pa talaga niyang mag-isa ang snatcher sa Lagusnilad sa Lawton.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Agosto 5 nang parangalan sa Camp Crame si Dionisio gayundin sa Manila City hall kung saan mismong si Mayor Isko Moreno ang nagbigay puri sa pulis dahil di raw nito inalintana ang panganib matugis lamang ang snatcher.

Bukod sa mga parangal, binigyan siya ng ₱20,000 na pabirong sinabi ni Dionisio na aabangan daw ng kanyang misis.

Dapat lamang daw pamarisan si Dionisio sa pinakita nitong katapangan sa pagtugis ng kriminal. Nagpakita din siya ng katapatan sa tungkulin dahil kahit nakataya ang kanyang seguridad, di pa rin niya iniwan ang sinumpaang propesyon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel