Legit vs nabuntis! Misis, sinampal ng babaeng nabuntis ng kanyang mister

Legit vs nabuntis! Misis, sinampal ng babaeng nabuntis ng kanyang mister

- Mabilis na rumesbak ang isang ginang matapos na mai-ere ang reklamo ng babaeng nabuntis ng kanyang mister na pulis

- Matatandaang nagreklamo kay idol Raffy ang 19-anyos na nabuntis ng pulis dahil sa kulang na sustento

- Ngunit nabaligtad ito nang si legit naman ang magreklamo laban sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Biktima versus biktima! Dalawang babaeng naloko ng pulis na si P/CPL. Jomar Carranto ang nagharap sa programang Wanted sa Radyo.

Una nang naiulat ng KAMI ang reklamo ng babaeng si Melizabeth Salapudin, 19-anyos, at nabuntis ni Carranto.

Reklamo nito ang kakulangan ng sustento ng pulis sa kanilang anak.

Matatandaan din na labis na naaliw si Raffy Tulfo dahil sa kaprangkahan nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ngunit matapos na mai-ere ang reklamo nito ay agad na rumesbak ang misis ni Carranto at nagreklamo din laban dito.

Masamang-masama ang loob ni Rica Carranto kay Melizabeth dahil umano sa mga atraso nito sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mariin ding iginiit ni misis na alam ni Melizabeth kung ano ang relasyon nito sa kanyang mister.

Reklamo din ni legit ang pananampal sa kanya ni Melizabeth nang magharap sila sa barangay na hindi na itinanggi ng babae.

Hindi rin daw kaya ng mag-asawa ang sustentong hinihingi ni Melizabeth dahil sa kakarampot ng sweldo ng pulis.

Ibinunyag din ni legit ang ilan sa mga post ni Melizabeth kung saan nakasuot ito ng uniporme ng isang pulis na ipinagbabawal ng batas.

Maging ang ilang mga post nito nag-aanyaya sa mga kalalakihan ay ipinakita rin ni legit.

Hindi na nakatanggi pa ang babae dito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jennylyn Mercado Reveals Her Favorite StarStruck Finalist -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel