Mayor Isko, on the spot sinibak ang enforcer na huli sa akto ang katiwalian

Mayor Isko, on the spot sinibak ang enforcer na huli sa akto ang katiwalian

- On the spot na sinibak ni Mayor Isko ang isang traffic enforcer na nahuli niya sa akto na nakikipag-areglo sa isang bus driver

- Nakipaghabulan pa ang alkalde sa bus driver na tinangka pang tumakas sa atraso nito

- Nabigyan din ng warning ang isang pulis matapos madatnan ni Mayor ang ilang sasakyang ilegal na naka-park sa lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na sinibak ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang traffic enforcer matapos itong maaktuhang nakikipag-areglo sa loob ng bus.

Bagamat itinanggi ito ng enforcer, hindi na binili pa ng alkalde ang palusot nito at agad na hinubaran ng ID.

Samantalang ang bus driver naman na napag-alamang wala palang lisensiya ay tinangka pang takasan ang kanyang atraso.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Hindi naman ito pinayagan ni Mayor Moreno na halos nakipaghabulan sa bus driver na ito.

Huli din ang ilang mga sasakyang ilegal na naka-park sa lugar at agad na ipinag-utos ni Mayor Isko na i-impound ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakatikim rin ang isang pulis na nakatalaga roon at nabigyan ng last warning.

Sinermunan ni mayor ang mga ito sa harap ng ibang mamamayan na naroon at sinabing maghanapbuhay na lamang ng maayos at sumunod sa mga patakaran sa lungsod.

Ganunpaman, malugod pa ring bumabati si Moreno sa mga mamamayang nakakasalubong at bumabati sa kanya.

Narito ang aktwal na video mula sa Facebook page na Viral Mo To:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jennylyn Mercado Reveals Her Favorite StarStruck Finalist -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel