Iba ang Pinoy! Mag-asawang OFW sa Jeddah, nagsauli ng napulot na malaking halaga

Iba ang Pinoy! Mag-asawang OFW sa Jeddah, nagsauli ng napulot na malaking halaga

- Kinilala ang katapatan ng mag-asawang OFW sa Jeddah, Saudi Arabia matapos nilang magsauli ng napulot na malaking halaga

- Ayon sa mag-asawa, bagamat naisip nila na ito ay malaking halaga na para sa kanila, masaya naman daw sila na isinauli ito sa may-ari

- Pinuri naman ng Saudi national na may-ari ng pera ang lahat ng Pinoy at maging ang Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Paalis na raw ang mag-asawang Roberto De Guzman at Farida De Guzman sa isang parking lot sa Jeddah, Saudi Arabia, nang makita nila ang isang bag.

Nang tignan nila ang bag ay nadiskubre nila na naglalaman ito ng malaking halaga na umabot sa 40,000 Saudi Riyals o mahigit P500,000.

Inamin ng mag-asawa na parehong overseas Filipino worker (OFW) sa nasabing bansa na sumagi sa isip nila na hindi isauli ang napulot na pera, ayon sa ulat ng GMA News.

Ngunit dahil sa mga ID na naroon sa bag ay nagawa nila itong isauli sa may-ari na isang Saudi national.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

"Pag dating namin sa bahay ay hinalungkat niya (Farida) lahat ng ano, kinuha ko ang lahat ng identity card niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Sa hirap ng buhay ngayon, naisip namin ‘yun dahil kailangan namin ng pera. Kung hindi namin nakita ang identity card ng mama, hindi namin isosoli kasi hindi namin alam kung saan namin dadalhin iyon,” ayon kay Roberto.

Kinilala naman ng Philippine Consulate General sa Jeddah ang katapatan ng dalawa at nabigyan ng Certificate of Aprreciation.

Pinuri naman ng may-ari ng bag ang lahat ng mga Pilipino na masayang-masaya na naibalik sa kanya ang kanyang pera.

“Philippines is a great country and the people, they are great people,” anito.

“Parang hindi namin maintindihan, parang lumulutang ka sa ere, hindi ko maisip na ganito pala ‘pag nakatulong ka… ‘pag naisoli mo ‘yung nakuha mo. ‘Yung nerbiyos ko nawala na nang naibigay ko na,” sabi pa ni Roberto.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jennylyn Mercado Reveals Her Favorite StarStruck Finalist -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel