Pulis na mag-isang tumugis sa snatcher, hinangaan ng marami

Pulis na mag-isang tumugis sa snatcher, hinangaan ng marami

- Viral ang video ng pulis na mag-isang nanghuli sa snatcher

- Kahit pa sa highway naganap ang habulan, buong tapang na sinundan ng pulis ang snatcher

- Tunay na kahanga-hanga ang ginawa na ito ng pulis kaya naman hangad ng karamihan na mabigyan ng gantimpala o pagkilala ang pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakunan ng video ang aktwal na pagtugis ng isang pulis sa snatcher sa highway.

Binahagi ni Gerald Dumasal sa kanyang Facebook ang nakunang kaganapan at talaga namang kahanga-hanga ang ginawa ng pulis.

Kahit kasi mag-isa lamang ito na rumesponde, talagang sinundan niya ang tumakbong snatcher at sumakay pa sa jeep.

Dahil traffic, na-corner ng pulis ang snatcher na kanyang nahila pababa ng sasakyan.

Sa daan, kitang-kita kung paanong hinawakan na ng pulis ang lalaki na maayos pa niyang nalagyan ng posas.

Sadyang nakakabilib ang ginawa na ito ng pulis dahil di siya nagdalawang isip na dakpin ang snatcher kahit wala siyang kasama.

Dahil dito, umani na mga positibong komento ang video at karamihan ay ang hangad na bigyan ng pagkilala ang matapang na pulis na ito.

Narito ang ilang sa kanilang mga komento:

"Goodjob sir! I saludo ako sau kahit mag isa lang."
"Good job sir..yan ang pulis kahit delikado pipilitin magampanan ang tungkulin sinumpaan"
"Galing mo Sir! Maliit kasi ang tiyan kaya nakakatakbo Ng maayos. Good Cops! Yan ang pulis!"
"A big salute to you Sir! sana makilala si sir"
"Salute!! So brave! You deserve to have an award sir"

Nasa 30,000 na ang mga positibong reaksyon at mahigit 1 million views na ang post na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel