"Bakit ang sabi mo'y binata ka?" -tanong ni ate sa BF niya na nabigyan ng Euros

"Bakit ang sabi mo'y binata ka?" -tanong ni ate sa BF niya na nabigyan ng Euros

- Masama ang loob na inireklamo ng isang OFW mula sa Europe ang kanyang naging karelasyon na nasa Pilipinas

- Pakilala daw sa kanya nito ay isa itong binata ngunit nang umuwi siya sa bansa ay napag-alaman niyang may asawa na pala ito

- Ang masakit pa, nagmemensahe na sa kanya ang misis nito at sinabihan umano siya ng masasakit na salita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masamang-masama ang loob ng overseas Filipino worker (OFW) mula sa Europe na si Emily Pangilinan nang madiskubreng ang kanya palang nobyo ay may asawa na!

Halos maiyak na ito nang idulog sa programang Wanted sa Radyo ang reklamo laban sa nakarelasyon na si Romulo Arbo na dati din palang OFW.

Base sa kwento ni Pangilinan, nagkakilala sila ng lalaki online at doon na nagsimula ang kanilang relasyon.

Giit pa nito, wala siyang ideya na may asawa na pala ang karelasyon dahil binata ang pakilala nito sa kanya.

Nagkita na rin daw sila nito taong 2014. Matagal na rin daw niya itong kilala bago sila magkaroon ng relasyon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang sa umuwi siya sa Pinas taong 2018 at napag-alaman niyang may asawa na nga ito at ngmemensahe na raw sa kanya ang misis nito ng masasakit na salita.

Sabi pa daw sa kanya ng lalaki nang komprontahin niya ito ay hindi daw nito alam na makikipagbalikan pa ang misis nito sa kanya.

Ang masaklap pa, nagawang mag-invest ni Pangilinan sa negosyong wala naman palang katotohanan.

Hinikayat umano siya ni Arbo na magpundar ng piggery at palayan sa Albay. Nagpadala daw si Pangilinan para dito ng 635 Euros na umaabot sa halos P40,000.

Bukod pa ito sa buwanang padala niya para dito!

Ngunit ang salarin na si Arbo, missing in action na at hindi na mahagilap sa address na ibinigay nito kay Pangilinan sa Albay.

Napag-alaman pang hindi pala ito talagang nakatira doon ayon sa kapitan ng lugar.

Nangako naman ng tulong si Raffy Tulfo upang agad na mahanap at makasuhan si Arbo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Razor Prank In The Streets Of Philippines

Free haircut! Not needed? Sorry, too late! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel