Prank ng isang lalaki sa kanyang ina, nauwi sa "pagdidisiplina" nito sa kanya

Prank ng isang lalaki sa kanyang ina, nauwi sa "pagdidisiplina" nito sa kanya

- Viral ang nakaka-high blood daw na prank ng isang lalaki sa kanyang ina

- Niloko niya kasi itong nakabuntis ng babaeng nakainuman lamang niya

- Dahil sa "biro," di naiwasan ng inang madisiplina ang anak na inakala nga niyang nakabuntis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang nakaka-nerbyos na prank ng isang lalaki sa kanyang ina.

Sa video na binahagi ni JD Espinoza, makikitang relax na relax lang silang mag-iina na nanonood ng TV.

Kasama nila ang isa pa niyang kapatid na siyang kumukuha ng video.

Maya-maya, may biglang tumawag sa kanya na nagsabing buntis ito dahil delayed na ang buwanang dalaw niya ng tatlong linggo.

Dito na nagsimula ang prank. Tawang-tawa ang mga netizens sa acting ni JD nang sabihin niya ito sa kanyang ina.

Tila di kasi makuha ng ina kung ano ang kahulugan ni JD sa salitang "may nangyari" sa kanila ng babae kaya pinapaulit-ulit ito ng kanyang nanay.

Nang makuha na ng ina ang ibig sabihin ng anak, di niya napigilan ang magsalita ng di maganda.

Sakay na sakay ang ina sa 'prank' o panloloko ng anak na hindi rin niya naiwasang ma-disiplina ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sa bandang huli ng video, inamin naman ni JD na di ito totoo at isa lamang itong prank.

Laugh trip daw talaga ito para sa karamihan ng netizens. Ngunit, paalala naman ng ilan na huwag basta itong gayahin lalo na kung may karamdaman ang mga magulang. Baka raw kasi imbis na katuwaan lamang ang kalabasan ay maging dahilan pa ng kung anumang di magandang bagay.

Umabot na sa halos 870,000 views ang video at naibhagi na ito ng 8,800 na beses.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Free cut! Free haircut! Not needed? Sorry, too late!

Razor Prank In The Streets Of Philippines | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel