Kwento ng Grade 4 student na dumidiskarte ng pambaon niya sa eskwela, viral

Kwento ng Grade 4 student na dumidiskarte ng pambaon niya sa eskwela, viral

- Marami ang naantig sa kwento ng isang grade 4 student na nagbebenta ng sampaguita

- Nakilala siya ng isang netizen na siyang nagbahagi ng kwento

- Umani ng papuri ang bata gayundin ang netizen na tumulong sa bata sa abot ng kanyang makakaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di raw naiwasan ng mga netizens na maging emosyonal nang mabasa ang kwento ng batang si "Art", isang grade 4 student na nagtitinda ng sampaguita pagkatapos ng kanyang klase.

Nakilala niya ang netizen na si Juliana Yambao sa 711 kung saan nagpapatila ng ulan si Art.

Si Juliana ang nagbhagi ng viral post na ito sa kanyang Facebook.

Dahil sa inakala ni Juliana na susunduin lamang si Art ng magulang nito, nakiupo lamang siya sa tapat ng bata.

Tinanong niya kung may kasama ito at sinabi naman ng bata na wala.

Sa kanilang pagkikwentuhan, nalaman ni Juliana na di pa kumakain si Art.

Binilhan niya ito ng cup noodles dahil kahit mukhang malusog naman ang bata, mukha raw gutom na gutom ito.

Habang kumakain si Art, tuloy pa rin ang kwentuhan nila ni Juliana.

Nalaman din ni Juliana na nagbebenta ang bata ng sampaguita para mayroon siyang pambaon sa eskwela.

May trabaho naman ang kanyang mga magulang ngunit nais ng bata na makatulong sa mga gastusin gaya na lamang ng araw-araw niyang baon.

Labis na nadurog ang puso ni Juliana kaya naman kahit huling pera na niya ang ₱50 sa kanyang pitaka, binigay na niya ito kay Art.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Namangha ang mga netizens sa ginawa na ito ni Juliana sa bata.

Umani rin ng papuri ang bata dahil sa kagustuhan nitong makatulong sa kanyang mga magulang.

Bago matapos ang post, nilinaw din ni Juliana na lahat ng kanyang binahagi ay base sa kwento mismo ni Art.

Samantala, 6,700 na positibong reaksyon na ang nakuha ng post na ito. Marami rin sa mga nagkomento ang inalam ang iba pang detalye ni Art dahil nais din nilang magpadala ng tulong.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Free haircut! Not needed? Sorry, too late!

Razor Prank In The Streets Of Philippines | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Ofw
Mailfire view pixel