PAGASA: Bagyong Hanna, mas lumakas at isa nang severe tropical storm

PAGASA: Bagyong Hanna, mas lumakas at isa nang severe tropical storm

- Mas tumindi pa ang bagyong Hanna na ngayon ay isa nang severe tropical storm ayon sa PAGASA

- Bagamat mababa ang tsansa na mag-landfall ito ay makakaranas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan ang ilang parte ng bansa

- Ilang lugar na rin sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya ang nagsuspinde ng klase ngayong araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa nang severe tropical storm ang bagyong Hanna na mas lumakas pa ayon sa PAGASA.

Si "Hanna" na may international name na "Lekima" ay nagtataglay ng lakas ng hangin na 95 km per hour at bugso na hanggang 115 kph.

Bandang 10 a.m. namataan ng state weather bureau ang bagyong Hanna sa layong 795 kilometers sa silangang bahagi ng Calayan, Cagayan.

Bagamat mababa ang tsansa na mag-landfall ito, inaasahang magiging typhoon ito sa susunod na 48 oras ayon pa rin sa PAGASA.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sa isang report, sinabi ng PAGASA na mayroon itong binabantayang mga weather disturbances sa paligid ng bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Magkakaroon din daw ng moderate to heavy monsoon rains sa Western Visayas, northern portions of Palawan (kasama ang Calamian at Cuyo Islands), Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Cavite, Batangas, at Laguna hanggang Miyerkules.

Habang ang Metro Manila, Central Visayas, at natitirang bahagi ng Luzon ay makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan.

Mayroon ding red heavy rainfall warning sa Occidental Mindoro at Palawan na may mataas na tsansa ng pagbaha at landslides.

Ilang lugar na rin sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya ang nagsuspinde ng klase ngayong araw na una nang naibalita ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Razor Prank In The Streets Of Philippines

Free haircut! Not needed? Sorry, too late! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel