Tawang-tawa si idol Raffy sa babaeng mabangis talakan ang ex niyang pulis

Tawang-tawa si idol Raffy sa babaeng mabangis talakan ang ex niyang pulis

- Hindi napigilan ni Raffy Tulfo ang maaliw sa pagka-prangka ng isang babaeng complainant sa kanyang programa

- Inireklamo kasi nito ang ex-BF nitong pulis na nakabuntis sa kanya dahil sa 'di sapat na sustento

- Maging ang mga netizens ay naaliw rin sa ginang na mabangis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang tawang-tawa at napabungisngis si Raffy Tulfo sa ginang na inireklamo ang ex-boyfriend nitong pulis dahil sa labis nitong kaprangkahan.

Inireklamo ni Melizabeth Salapudin, 19-anyos, ang dating nobyo at tatay ng kanyang anak na si P/CPL. Jomar Caranto sa programang Aksyon sa TV5.

Bukod sa kulang na sustento ay unti-unti pa raw nababawasan ang naibibigay nito sa kanilang anak.

Ibinuking din ni Salapudin na ipinatapon ito sa Maguindanao dahil sa atrasong ginawa nito sa kapwa nito pulis at mas mataas pa ang ranggo.

Giit pa ng ginang, hindi umano inamin sa kanya ni Caranto na mayroon na itong pakakasalan noong nakilala niya ito at nalaman na lamang niya nang nabuntis na siya nito.

Itinanggi naman ito ng pulis at sa halip at tinakot pa ang babae na kakasuhan ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ngunit sa huli ay wala na itong nagawa nang sabihin ng staff ng programa na sasamahan nila ang complainant sa Camp Crame upang ireklamo siya nang sa ganun ay ibabawas na sa kanyang sweldo ang sustento para sa anak nito kay Salapudin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang mga netizens ay hindi rin napigilang maaliw sa complainant na labis ang katapangan laban sa dating nobyong pulis!

"NAKAKATAWA SI ATE KAHIT MALAKI ANG PROBLEMA NAGPATAWA PA."

"Hahaha sarap sa tenga pag sinusupalpal ang ganyang klaseng tao."

"hahaha! at yung babae pa nanakot ng Pulis? LOL!"

"dami qu tawa sau hija yari ka lespu palusot eh pumirma ka pla ng 6k na sustento panindigan mu nlng."

"Nakakatuwa si ineng magsalita, ang bilis2, parang fast forward tuloy, wala ako naintindihan, pero tawa ng tawa si Sir Raffy."

Narito ang buong istorya mula sa official Youtube video ng Raffy Tulfo in Action: PULIS NA MATULIS, SUPALPAL SA GIRLFRIEND NIYANG MABANGIS!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Razor Prank In The Streets Of Philippines

Free haircut! Not needed? Sorry, too late! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel