Part 3: OFW sa Hong Kong, na-scam ng kaibigan ng halos 1M, nagharap na sa wakas

Part 3: OFW sa Hong Kong, na-scam ng kaibigan ng halos 1M, nagharap na sa wakas

- Matapos pag-usapan ang kuwento ng OFW at ng kaibigan niyang nag-scam sa kanya ay inilabas na ang Part 3 nito

- Nagharap na sa wakas ang complainant at ang inirereklamo

- Halos sumabog sa galit ang OFW dahil sa ginawang panloloko sa kanya ng kaibigan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang nag-viral ang kuwento ni Cheryl Bartina, isang OFW sa Hong Kong at nagta-trabaho bilang babysitter matapos niyang ireklamo ang kaibigan na si Renerose Ogayre.

Mapapanood sa Part 1 na dumulog si Cheryl sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' upang mabawi ang pera at gamit na napadala niya kay Renerose na aabot ng halos 1 milyong piso.

Ayon sa kuwento ni Cheryl, nagpanggap si Renerose na lalaki at kinuha ang kanyang loob.

Gumamit daw si Renerose ng isang phone application para maging boses lalaki ito at napa-ibig naman si Cheryl kaya siya nagpadala nang nagpadala rito.

Umabot pa sa puntong magpapakasal na dapat sila at nagpadala na ng wedding ring si Cheryl dito na kalaunan ay sinangla lang ni Renerose.

Sa Part 2 naman ng kuwento nila ay humarap na kay Idol Raffy ang inirereklamo. Gayunpaman, mariin niyang tinatanggi ang mga paratang ni Cheryl sa kanya.

Pero isang Bernardo Valdez ang lumitaw at umamin na ginamit siyang kasabwat ni Renerose.

Ayon kay Bernardo, inutusan daw siya ni Renerose na akuin ang ginawa niya at magpanggap na siya ang naging ka-chat ni Cheryl.

Watch the video below: (Part 2)

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Nalaman ng KAMI na lumabas na sa wakas ang inaabangang Part 3 ng kuwento nila.

Binalikan ni Cheryl ang naikuwento na niya sa Part 1 na pinadalan niya ng maseselang larawan si Renerose na ginamit din nitong pang-blackmail sa kanya.

Ang masaklap, pinadala ni Renerose sa anak ni Cheryl ang mga maseselang larawan.

Kaya naman labis ang galit ni Cheryl kay Renerose dahil sa mga ginawa nito sa kanya.

Sa bandang huli ay nire-request pa ni Renerose na burahin ang mga larawan niya sa social media dahil nahirapan daw siya maghanap ng trabaho dahil sa mga nangyari.

Umamin din siya sa ginawang panloloko kay Cheryl at sinabi pa kung paano siya nambibiktima.

"Okay lang sana kung 100, 200 thousand yung nahuthot mo saken tama na, tumigil ka na, nakonsensya ka na.. Pero hindi! Sinimot mo lahat!," saad ni Cheryl.

Watch the video below: (Part 3)

Narito ang naging komento ng mga netizens matapos nilang mapanood ang Part 3 ng kuwento nila.

"Idol paki check ung panyo ng nirreklamo.baka may vicks!!"
"Pigain mo mata mo renerose, pra maiyak ka! Nyeta pakulong na yan.."
"Mahirap talaga kumita as OFW, tapos lolokohin lang, dapat dyn bigyan ng leksyon..."
"Ito nnmn po ang Best actress ang Drama Queen ng Bayan... Let's give her applause.. Ladies and gentlemen please welcome Miss Renerose Ogayre!!!!hoooo!!!"
"Ang laki ng perang nkuha mo..sna pinang negosyo mo na lng ung nkuha mong pera.para may maibabalik kang pera..aiiiiii style mo bulok.inshort nagttake advantage ka sa kahinaan ng babae..no good"
"Kunin mo lahat ng nakuha sau. things even money then put her in jail... Manloloko pa yan... Madami na naloloko. Nanggagamit pa ng tao. Di nya naisip nung time na namamasasa cya sa pera ng iba ngaun paawa.. May mali din c ate dahil 3yrs cya nagpaloko.. Nagpaloko cya kaya naloko cya.."
"You cant blame Ms. Cheryll. Hindi biro ang 3 years na naniwala siya and minahal niya yung kachat niya na almost umabot sa kasalan. Imagine nainlove siya tapos ilusyon lang pala. Yung feelings na namuo and trust. Emotion is more than money.."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang misis ang napa-walkout sa hindi inaasahang kondisyon ni kabit.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video, Jennylyn Mercado revealed her favorite StarStruck finalist! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel