Netizen, nagmalasakit ihingi ng tulong ang mag-asawang matanda na wala nang kasama sa buhay

Netizen, nagmalasakit ihingi ng tulong ang mag-asawang matanda na wala nang kasama sa buhay

- Binahagi ng isang netizen ang nakakadurog ng pusong larawan ng mag-asawang matanda na at walang ibang kasama sa buhay

- Bukod sa mahihina na dala ng edad may karamdaman pa ang misis

- Natutulungan naman ng pamilya ng netizen ang mag-asawa ngunit mas mainam na may ibang mga tao pang magpaparating ng tulong sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Awa ang nangibabaw sa puso ng netizen na si Joyette Med sa mag-asawang sina Naroy Ibuna at Yoning Ibuna.

89-anyos na si Tatay Naroy habang 81-anyos naman si Nanay Yoning at mayroon pang karamdaman.

Mag-isang namumuhay ang mag-asawa at dala ng kanilang edad, hirap na talaga silang maghanapbuhay.

Taga sitio Baid, Lilo-An, Malinao Aklan ang mag-asawa na walang mga anak o kamag-anak na maari nilang mahingan ng tulong.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Bukod sa pagkain, nangangailangan din ng gamot ang dalawa kaya naman naisipan ni Joyette na ibahagi ang larawan ng mag-asawa upang maihingi ito ng tulong.

Tinutulungan na rin naman ng pamilya ni Joyette ang mag-asawa ngunit mas mainam daw na dumagsa pa ang tutulong kina Tatay Naroy at Nanay Yoning.

Dahil dito, marami-rami na agad tumugon sa post at sana, magtuloy-tuloy pa ang pagdami ng magmamalasakit tumulong sa mag-asawa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Free haircut! Free haircut! Not needed? Sorry, too late!

Razor Prank In The Streets Of The Philippines | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel