Ilang magulang sa India, umaakyat ng pader ng paaralan para bigyan ng kodigo ang mga anak

Ilang magulang sa India, umaakyat ng pader ng paaralan para bigyan ng kodigo ang mga anak

- Talamak na raw sa India ang pag-akyat ng mga magulang sa pader ng paaralan para lang mamigay ng kodigo

- Lantaran itong ginagawa para lamang masigurong makakapasa ng kolehiyo ang kanilang mga anak

- Bagaman at nahuhuli rin ang mga batang ito ng kani-kanilang mga inspectors, iilan lamang ang nae-expel dahil sa pandarayang ginawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video ng mga magulang na umaakyat sa mga pader ng paaralan.

Sa video na binahagi ng Ruptly, kanya-kanyang diskarte ang mga magulang sa pag-akyat sa testing rooms ng kanilang mga anak na nasa Grade 10 upang bigyan umano ang mga ito ng kodigo.

Palasak na raw ang ganitong diskarte ng mga magulang sa naturang bansa dahil sa problema nila sa sistema ng edukasyon.

Wala kasing kasiguraduhan ang pagpasok ng mga kabataan sa kolehiyo dahil sa limitado rin ang maaring mag-aral doon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ayon sa Washington post, limitado lang kasi talaga ang maaring makatuntong sa kolehiyo sa India.

Sinasabing malaking problema nila ang sistema na kanilang edukasyon doon.

Maging ang gobyerno roon ay nagugulat na lamang sa buwis-buhay na ginagawa ng mga magulang doon.

Nakuha nilang makiusap na itigil na ang pagsasagawa nito ngunit sadyang talamak na ang ganitong gawain ng pangongodigo.

600 lamang sa halos 1000 na nahuling nangodigo na mga estudyante ang na-expel.

Narito ang video ng aktwal na pag-akyat ng mga magulang:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Free haircut! Free haircut! Not needed? Sorry, too late!

Razor Prank In The Streets Of the Philippines | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel