96-anyos na bumiyaheng mag-isa, inalagaan ng lalaking nakatabi lang niya sa eroplano

96-anyos na bumiyaheng mag-isa, inalagaan ng lalaking nakatabi lang niya sa eroplano

- Hinangaan ang pagmamalasakit ng isang lalaking nakatabi lang ng isang lola na mag-isang nag-biyahe sa eroplano

- Nang sabihin kasi ng lola na natatakot siya sa paglipad ng eroplano, di na nagdalawang isip ang lalaki na hawakan ang kamay ang matanda at pakalmahin ito

- Hanggang makalapag ang eroplano sa kanilang destinasyon, di iniwan ng lalaki ang lola hanggang sa mahanap nito ang anak na tatagpo sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng netizen na si Megan Ashley tungkol sa nakakaantig na eksenang nasaksihan niya sa kanilang flight mula San Diego hanggang Nashville.

Kwento ni Megan, napansin niya ang isang matandang babae na nagsabi sa lalaking katabi nito kung maaring hawakan nito ang kanyang kamay habang nagti-take off ang eroplano.

Hindi nito kilala ang lalaki dahil mag-isa lamang sa biyahe ang lola.

Kaarawan kasi ng 96-anyos na lola at nais niyang makasama ang kanyang pamilya sa Kansas City.

Kitang-kita raw ni Megan na takot na takot ang matanda. Ngunit labis siyang humanga sa lalaking katabi nito dahil kinakalma niya ang lola.

Maski sa pagpunta ng lola sa CR ay inaalalayan pa rin ito ng lalaki.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Hanggang sa paglapag ng eroplano, di pa rin iniwan ng lalaki ang lola hanggang matagpuan nito ang anak na napahiwalay lamang sa kanya.

Di raw naiwasan ni Megan ang maluha sa galak sa pinakitang kabutihan ng lalaki sa lola.

Dahil dito, binahagi niya ang kwento upang ma-inspire ang ibang tao sa pagmamalasakit ng lalaki sa matanda. Saludo rin daw siya sa lalaki na bagaman at 'di niya kaano-ano ang lola, ay hindi niya ito pinabayan.

Halos umabot na sa 200k positive reactions ang naturang post at nasa 47,000 na ang shares nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Free cut! Free cut! Not needed? Sorry, too late!

Razor Prank In The Streets Of Philippines | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel