Baron Geisler, may mensahe sa gobyerno kaugnay ng ABS-CBN franchise renewal

Baron Geisler, may mensahe sa gobyerno kaugnay ng ABS-CBN franchise renewal

- Sa pamamagitan ng isang video, nagbigay ng mensahe ang aktor na si Baron Geisler kaugnay sa ABS-CBN franchise renewal

- Anito, dapat lang daw na kalimutan na ng gobyerno ang "miscommunication" noong 2016 kung iniisip lang ng administrasyon na gumanti

- Umani naman ito ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umapela ang aktor na si Baron Geisler sa Duterte administration at sa kongreso na i-renew na ang franchise ng ABS-CBN.

Sa pamamagitan ng isang Facebook video na in-upload ng Defend Job Philippines, inere ng isa sa mga aktor ng "Ang Probinsyano" ang kanyang mensahe.

Kaugnay ito ng ma-e-expire na franchise ng isa sa mga giant TV network sa Pinas.

Binigyang diin ni Geisler na maraming tao ang posibleng mawalan ng trabaho sakali mang tuluyang magsara ang dos.

“Lahat tayo ay umibig, nasaktan, napasaya, napa-iyak ng mga shows ng ABS-CBN. Hindi ito magagawa kung hindi dahil sa mga laborers na ito. Ipaglaban po natin ang karapatan nila. Ipaglaban po natin ang buhay nila. Mahigit 10,000 po ang mawawalan ng trabaho. Isipin niyo po iyon,” anito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

“Kung iniisip ng gobyerno na makaganti lang dahil sa mga miscommunications noong 2016. Mag-move forward na po tayo. Let go and forgive and forget. Mga tao pinag-uusapan natin dito. Hindi papel, pami-pamilya, ilang libong pamilya, pagkain sa lamesa. Iyan ang kailangan nila. Iyan ang kailangan ng mga Pilipino,” pagpapatuloy ng aktor.

Humingi rin ng tulong si Geisler sa mga netizens upang patuloy silang makapag-bigay saya sa mga Pilipino na tumatangkilik sa kanila.

“Kung talagang nagmamalasakit ang gobyerno sa atin at sa mga laborers na ito. Tulungan niyo naman kami. Hindi kami nagmamakaawa kasi alam namin na karapatan namin na magserbisyo at magtrabaho at kumita para mapasaya ang mga tao at mga taga-gobyerno,” anito.

“Lumaki ang ABS-CBN… 65 years niyo na pong kasama [tapos] tatanggalin niyo?” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang ulat naman ng KAMI, nilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nakadepende ang renewal ng franchise ng ABS-CBN sa kongreso at hindi sa pangulo.

Nag-ugat ang lahat nang hindi ipalabas ang campaign ad ni Pangulong Duterte noong 2016 sa istasyon ngunit hindi naibalik ng ABS-CBN ang pera nito.

Umani naman ito ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens:

"It's about sustainability. Ika nga no one should be left behind. Agree with Baron. Madali magpasara. Pero papano yun mga mawawalan ng trabaho? The government can do better than this. I take a leap of faith.@

"ewan ko kung asan ang Utak nung gs2 mapasara abscbn."

"BAD BOY na bumaet hahahaaa."

"10k lang kayo. Pero Million n tao yung niloloko ng network nyo."

"pano naman yong ginawa nila na pang gugulang...? mapasara man or hindi buset na #ABSCBN yan... madamjng kasalanan ang network na yan maka dilawan yan...baron paswnsiya i dont feel you."

"Disappointed ako sayo baron."

"Laos ka naman.isa bulok na tao,hwag kana magpapansin."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Razor Prank In The Streets Of Philippines

Free cut! Free cut! Not needed? Sorry, too late! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Pres. Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel