Babaeng nagbigay ng pagkain sa 1 matandang lalaki sa kalye, hinangaan

Babaeng nagbigay ng pagkain sa 1 matandang lalaki sa kalye, hinangaan

- Marami ang humanga sa isang dalaga na naaktuhang nagbigay ng pagkain sa isang matandang lalaki na nakita nito sa kalye

-Ayon sa uploader, pagkatapos kausapin ang matanda ay ibinili ito ng pagkain ng dalaga

-May ilang mga netizens din ang nais sanang makilala ang babaeng may ginintuang-puso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hinangaan at nais daw na makilala ng ilang netizens ang babaeng nagpakita ng kabutihan sa isang matandang lalaki sa Bulacan.

Ayon sa uploader na si Lance Moto, napansin daw niya ang babae na nilapitan ang matandang lalaki at kinausap.

Pagkatapos nito ay pumunta ito sa kainang kinainan ng uploader.

Iyon pala ay binilhan nito ng pagkain ang matandang lalaki na nakaupo sa isang bahagi ng kalsada sa nasabing bayan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

"Habang kumakain ako sa tapat ng fcpc bulacan. May napansin ako matandang lalake na nakaupo sakto napansin din pala ito ni ate at nilapitan.

"Maya maya kinausap nya ang matanda at tumawid papunta sa kinakainan ko at bumili ng pagkain at ibinigay sa matanda. Good job ate. Sana lahat ng kabataan katulad mo." ayon sa caption ni Moto sa kanyang Facebook post.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa larawan, makikita ang dalaga nang lapitan ang matandang lalaki at iniabot dito ang pagkain.

Umani naman ito ng papuri sa mga netizens at naitampok pa sa Facebook page na Balitang SJDM ang viral post ng netizen.

"mabuhay ka ne ito ang dapat tinutulagran ng mga kabataan ngayon isang magandang halimbawa..bigyan dapat ng parangal ito."

"sino kaya itong bata na ito sana mag viral para makilala."

"Pahanap natin at nang mabigyan ng parangal. Magandang halimbawa si Ate."

"Galing mo Ate! Tuloy no lang yan."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Razor Prank In The Streets Of Philippines

Free cut! Free cut! Not needed? Sorry, too late! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel