Si Raffy Tulfo lang pala ang susi para magkabati-bati ang 1 pamilya mula sa Cebu

Si Raffy Tulfo lang pala ang susi para magkabati-bati ang 1 pamilya mula sa Cebu

- Labis ang pasasalamat ng mag-asawang Pepito kay Raffy Tulfo na siyang naging daan para magkaayos sila at mga anak nila

- Matapos ang mala-telenobelang sabungan ng magulang vs mga anak ay nagkasundo naman ang mga ito

- At dahil sa sobrang saya ni idol Raffy sa pagkakapatawaran ng pamilya ay nagbigay siya ng 'di inaasahang tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mula sa mainit na sabungan at alitan ay nauwi rin sa happy ending ang pamilya Pepito matapos silang pag-ayusin ni Raffy Tulfo.

Una nang naibalita ng KAMI ang reklamo ng mag-asawang Nilo at Teresita Pepito sa laban sa kanilang mga anak na sila Anna Mae at Franz.

Reklamo nila ang pananakit at pagmumura ni Anna Mae sa kanila na hindi na rin itinanggi nito bagamat sinabing naunang manakit ang kanyang ama.

Nag-ugat ang lahat sa away ng mga ito sa ari-arian at maging sa isang baka na kanilang pag-aari.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Matagal na daw silang hindi magkakasundo dahil na rin sa reklamo ng bawat isa sa kanila.

Mas naging mapait pa ang lahat nang dumating ang bunsong anak ng mga Pepito at may reklamo din sa kanyang tatay!

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pero sa tulong ni idol Raffy, naliwanagan ang mga ito sa kung ano ang pagkakamali nila lalo na ng mga anak na dapat sana'y nagpapakumbaba sa mga magulang.

Pinangaralan din ng sikat na broadcast journalist ang mga ito at sa kabutihang-palad naman ay nakinig sa kanya.

Matapos na magkaliwanagan ay nagkapatawaran na ang mga ito sa harap mismo ni Raffy Tulfo.

Ayon kay idol Raffy, higit siyang masaya dahil naging daan siya para maputol na ang hidwaan ng pamilya.

Hindi rin nakalimutan ni Tulfo ang bigyan ng tulong ang dalawang matanda at binayaran pa ang pamasaheng nautang ng mga ito na lumuwas pa mula sa Cebu.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Razor Prank In The Streets Of Philippines

Free cut! Free cut! Not needed? Sorry, too late! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel