Bagong kasal na lalaki, nahulog sa isang bulkan sa ika-4 na araw ng honeymoon

Bagong kasal na lalaki, nahulog sa isang bulkan sa ika-4 na araw ng honeymoon

- Malubha ang naging lagay ng isang bagong kasal na lalaki matapos itong aksidenteng mahulog sa isang bulkan sa Caribbean

- Maging ang misis nito ay labis na nasindak sa aksidenteng ikinapahamak ng kanyang mister

- Ayon sa mga ito, hindi nila inakala kahit minsan na malalagay sila sa ganoong sitwasyon sa araw pa man din ng kanilang honeymoon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasa ikaapat na araw pa lamang ng kanilang honeymoon ang mag-asawang sina Clay at Acaimie Chastain nang masangkot ang dalawa sa isang aksidente.

Ayon sa report ng AOL, nag-e-explore ang dalawa sa Mount Liamuiga nang magdesisyon si Clay na tignan ang bunganga ng bulkan.

“One second I’m climbing, the next second the world is spinning, and I can hear her calling down to me,” ayon kay Clay sa isang panayam sa Indianapolis Star.

Samantala, nang hindi na makarinig ng anumang sagot mula sa asawa ay sinundan na ni Acaimie ang tinahak nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

"I was freaking out about what I was going to find at the bottom," anito.

Bagamat may malay ang lalaki nang madatnan ito ni Acaimie at lubha naman itong nasaktan.

"We're going to have to be strong," ayon sa babae. "We're going to have to climb out of here."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala din sinumang makakatulong sa kanilang dalawa ng mga oras na iyon at wala ring signal sa lugar kung nasaan sila.

Dahil na rin sa tulong ng misis, nakaalis si Clay sa sitwasyong muntik na niyang ikamatay. At nang magkaroon ng signal ay agad na tumawag sa 911 ang ginang.

Nagkaroon ng severe concussion, cracked vertebrae, skull fracture, at nawalan ng pangdinig ang kanang tenga ni Clay. Pinasok rin ng hangin ang brain tissue nito base sa mga ulat.

Nagpapagaling na ang lalaki at nakalikom ng tulong mula iba ang mag-asawa.

"It's never something that you think would ever happen to you. You read stories about crazy situations that happen to people and say, 'That would never happen to me.' Now that it has. It's crazy to be the recipient of such love and support." sabi pa ni Acaimie.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Razor Prank In The Streets Of Philippines

Free cut! Free cut! Not needed? Sorry, too late! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel