Misis na gusto ipakulong ng mister at mga anak, may isinambulat na sikreto

Misis na gusto ipakulong ng mister at mga anak, may isinambulat na sikreto

- Matapos ang paghaharap ng isang ginang na inireklamo ng kanyang mister at dalawang anak, mayroon itong inamin

- Una nang inireklamo ni mister ang pangangaliwa ng kanyang misis na dating OFW

- Bukod dito, isinumbat rin ng mga anak nito ang pag-abandona nito sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila mag-iiba ang ihip ng hangin matapos na isambulat ng ginang na si Jocelinda Deondo ang kanyang sakit.

Una nang inireklamo ang ginang ng kanyang mister na si Rollito Deondo ng pangangaliwa at ang pag-aabandona sa kanilang dalawang anak, na una nang naibalita ng KAMI.

Nadiskubre kasi ng mga ito na mayroon nang ibang lalaki si misis na kinilalang si Romnick Taol.

Hindi naman na ito itinanggi pa ng ginang ngunit sinabi nito na hindi na sila magkarelasyon pa. Isa lamang daw ito sa tumulong sa kanya para makauwi na siya sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ibinuko din ni Jocelinda na mayroon palang tatlong anak si Rollito at ayon sa kanya ay unang inilihim sa kanya ng asawa.

Ito din daw ang naging ugat ng pananabang niya sa mister. Bukod kasi sa hindi niya kasundo ang panganay nito ay nagagawa pa daw siyang saktan nito at maging si Rollito mismo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Itinanggi naman ito ni Rollito. Sinabi rin nito na alam na daw ni Jocelinda na mayroon siyang anak noong una pa lang.

Samantala, bumuhos naman ang luha ng dalawang anak nila lalo pa at desidido din si Rollito na sampahan ng kaso ang lalaki ng misis niya at maging si Jocelinda mismo.

Nagmatigas ito na ituloy ang kaso laban sa misis na sinuportahan ng anak nilang lalaki.

Sa huling bahagi, napag-alaman na ang sakit ni Jocelinda na kanya palang ibinunyag sa anak na babae.

Narito ang buong kwento mula sa official YouTube channel ng Raffy Tulfo in Action: PART 2 NANAY NILANG SUMAMA SA IBANG LALAKI, GUSTO NILANG MAYAKAP SA LOOB NG KULUNGAN!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Can You Recognize Aged Filipino Celebrities? FaceApp aging filter is taking over the Internet. HumanMeter has decided to age our favorite Filipino celebrities and asked people if they can recognize them – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Pres. Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel