Misis, napa-walkout sa 'di inaasahang kondisyon ni kabit

Misis, napa-walkout sa 'di inaasahang kondisyon ni kabit

- Nagharap-harap sa barangay si legal wife kasama si mister at ang dati nitong kabit

- Napa-walkout talaga si misis matapos malaman ang kondisyon ni kabit

- Maraming netizens ang humanga pa rin kay misis kahit pa nag-walkout ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang reklamo sa programa ng 'Raffy Tulfo in Action' ang nauwi sa barangay dahil gustong makulong ng complainant na si Doreen Acosta ang dating karelasyon na si Marlon Velasco.

Humingi ng tulong si Doreen kay Idol Raffy dahil pinakalat daw ni Marlon ang maselan nilang video.

Pero depensa ni Marlon, mga larawan lang ang pinadala niya sa kaibigan nila at hindi video.

Ayon kay Idol Raffy, puwede pa rin magsampa ng kaso laban kay Marlon dahil pinagbabawal sa batas kahit larawan lang ang pinakalat.

Nalaman ng KAMI na nagharap-harap na si Marlon kasama ang kanyang misis na si Aileen Velasco at si Doreen.

Matapos ang matagal na diskusyon at pagtatalo sa pagitan nina Marlon at Doreen, napapayag na rin ang huli na hindi na magsampa ng kaso.

Ngunit, nagulantang ang misis ni Marlon matapos sabihin ni Doreen ang kanyang huling kondisyon.

"Pero isa pa po, gusto ko din magpabayad ng perwisyong ginawa nila saken," saad ni Doreen.

"Mga magkano naman yun kung sakali, yung hiningi mo na yan?," tanong ni Barangay Chairman.

Sagot ni Doreen, "More than 200k."

Sa gulat ng misis ni Marlon ay halos napa-sigaw niyang sabihin ang "What?"

Sabay sagot ulit si Doreen ng, "May pera kayo diba?"

"Alam mo, puwede ako magsalita, kung peperahan mo 'to dalawa kayong kakasuhan ko. Yes, I can do that," pagtatapos na sinabi ni misis sabay walkout.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Narito naman ang naging reaksyon ng mga netizens matapos nilang mapanood ang kuwento nila.

"Sino dito ang napanganga sa legal wife? professional ang dating with class.. Girl pinamukha sa inyo na legal wife parin ang may last word"
"Dun ako sa legal wife..!! Tapang nitong kabit na to porke naka-back up ang raffy tulfo in action.. Lumabas din ang gusto nitong kabit na to na gusto ng pera.."
"Kung peperahan mo to dalawa kayong kakasuhan ko savage si Legal wife isang bagsakan lang walang gaanong kuda..salute sayo madame"
"So ano wala kang napalang pera ..gagamitin mo pa si sir raffy para sa 200k..kapal mo.mukha mo palang social climber na..bleeh"
"Si ate naman mamemera lang pala Ang tapang ng misis palaban! "Kung peperahan mo to, papakulong ko kayo parehas. I can do that""
"Clap clap para Kay legit!! "I CAN DO THAT".. Natigilan si bobang kabit ee.. hahahaha SAVAGE!!!"
"My GOD ! 200k lang pala gusto dinamay pa si Sir Tulfo."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, pinaulanan ng blessings ni Idol Raffy si legal wife pero umiyak pa rin sa huli.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Public Pranks, our team tricked people with the razor prank! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
5 interesting facts about National Heroes’ Day

5 interesting facts about National Heroes’ Day

5 interesting facts about National Heroes’ Day
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel