John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, hiwalay na ayon sa isang entertainment news writer

John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, hiwalay na ayon sa isang entertainment news writer

- Isang reliable source diumano ng isang entertainment news writer ang nagsabing hiwalay na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

- Kasalukuyang nasa Bangkok,Thailand si Ellen kasama ang ilang kaibigan kabilang na si Beauty Gonzales

- Lalo pang umugong ang balita matapos lumabas ang isang blind item at sila ang tinukoy ng mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hiwalay na diumano sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Ito ay ayon sa isang artikulo ng Pilipinas Star Ngayon sa panulat ni Salve Asis.

Ayon sa kanya, isang reliable source daw ang nagsabing nakipaghiwalay na si Ellen sa aktor.

Dagdag pa nito, na fall out of love daw si Ellen kay John Lloyd. Alam na rin daw ng mga malalapit na kaibigan ni Ellen ang tunay na lagay ng relasyon ng dalawa.

Base sa mga social media posts ng kaibigan niyang si Beauty Gonzales, kasalukuyang nasa Bangkok, Thailand si Ellen kasama pa ang ilang mga kaibigan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si John Lloyd naman daw ay nasa Vietnam ayon pa sa source.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sa isang blind item ng gossip blogger na Fashion Pulis, tila sila din ang tinutukoy ng mga netizens. May pananakit diumano na nangyari dahil sa pagkalango sa alak ng lalaki.

Sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ay nagkatrabaho sa comedy show ng Kapamilya network na Home Sweetie Home. Matatandaang naging usap-usapan ang relasyon ng dalawa matapos silang mamataang magkasama hanggang sa nakumpirmang nagkaanak na sila.

Nauna nang naiulat ng KAMI ang tungkol sa naging reaksiyon ng netizens sa mga lumabas na litrato na kuha sa first birthday ng anak nina John lloyd at Ellen.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Razor Prank In The Streets Of Philippines | HumanMeter

Check out Human Meter's Razor Prank. Do you want to have a good laugh? Check out this prank video filmed in the Philippines.There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Julia Barretto and Kim Chiu's 'kulitan' moment goes viral

Julia Barretto and Kim Chiu's 'kulitan' moment goes viral

Julia Barretto and Kim Chiu's 'kulitan' moment goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel