PCSO, pinaliwanag kung bakit may draw ang lotto sa mga araw na ito ay suspindido

PCSO, pinaliwanag kung bakit may draw ang lotto sa mga araw na ito ay suspindido

- Ipinaliwanag na ng PCSO kung bakit nagkaroon ng draw noong mga araw na suspindido ang lotto

- Sa kanilang website, makikitang mayroong draw mula noong July 27 hanggang July 30

- Gabi ng July 30 nang i-anunsiyo ni Presidential Spokesperson Panelo na maaari na muling mag-operate ang lotto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng ipinatupad na suspensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nagkaroon ng draw ang lotto sa mga araw na ito ay suspendido pa.

Ayon sa ulat ng GMA News, sa website ng PCSO, makikita ang mga result ng draw noong July 27 hanggang July 30 sa Lotto 6/42, Mega Lotto, Super Lotto, Grand Lotto at Ultra lotto, maging ang EZ2, 6Digit, at Suertres lotto.

Base sa website ng PCSO may 75 mananaya ang tumama sa 11AM draw ng Suertres lotto, dalawa sa 4PM draw.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Dalawa din ang tumama sa 11AM draw ng EZ2 at isa pa sa 4PM draw noong July 27.

Una nang naiulat ng KAMI na sinuspinde ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga PCSO games kasama ang lotto noong July 26 ng gabi dahil sa "massive corruption".

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

July 30 nang i-anunsiyo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na maaari na muling makapag-operate ang lotto ayon sa utos ng pangulo.

Sa isang panayam sa GMA News, ipinaliwanag ito ng PCSO.

"A player can make a bet na up to six advanced draws so meron pong mga tumaya na para po sa mga draw days na 'yon. So may bets na 'yun, may pasok na bets na 'yun," ayon kay Aimee De Viterbo, manager ng Gaming Technology Department ng PCSO.

"Hindi po kami puwedeng dumiretso doon sa draws na for Wednesday. We have to draw 'yung mga missed draws and suspended na draws na wala kaming operations. That's why meron po kaming na-generate na mga winning numbers for those days," dagdag nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Can You Recognize Aged Filipino Celebrities? FaceApp aging filter is taking over the Internet. HumanMeter has decided to age our favorite Filipino celebrities and asked people if they can recognize them – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel