Kris Aquino, pinasalamatan si PRRD sa diumano'y pagpangalan sa tao sa likod ng pagpatay sa kanyang ama

Kris Aquino, pinasalamatan si PRRD sa diumano'y pagpangalan sa tao sa likod ng pagpatay sa kanyang ama

- Marami ang nabigla sa naging tugon ni Kris Aquino matapos ang mga naging pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa kanyang ina

- Sa halip na magalit ay pinasalamatan niya ang pangulo dahil sa diumano'y pagpapangalan sa tao na nasa likod ng pagpatay sa kanyang ama

- Nabanggit ng pangulo na sumikat lamang si Cory Aquino dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi inasahan ng karamihan ang naging reaksiyon ni Kris Aquino matapos magsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa kanyang inang si Corazon Aquino. Sinabi ng pangulo na sumikat si Cory dahil lamang sa pagkamatay ng asawa nitong si Ninoy Aquino "in the hands of Mr. Marcos".

Sa isang Instagram post ay pinasalamatan ni Kris Aquino si PRRD dahil sa pagpangalan umano nito sa tao sa likod ng pagpatay sa kanyang ama.

"Maraming salamat po, Pangulong Duterte, dahil napangalanan ninyo ang mga kamay na may dugo sa pagpatay kay Ninoy Aquino," saad ni Kris sa caption ng kanyang social media post.

Hindi na pinansin ni Kris ang ilan sa mga naging pahayag ng pangulo tungkol sa kanyang ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Alam diumano niyang hindi iyon offensive para sa kanyang ina.

"To everyone reacting to defend mom and her legacy, thank you, but my heart knows, she's not affected by, nor offended about 'popularity," dagdag pa niya.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pinaslang na dating Senador Ninoy Aquino.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Samantala, sa naunang ulat ay naglabas ng saloobin si Kris tungkol sa naging pahayag ni Imee Marcos tungkol sa suot niyang dilaw na gown sa SONA 2019.

POPULAR: Read more about Kris Aquino here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Razor Prank In The Streets Of Philippines | HumanMeter

Check out Human Meter's Razor Prank. Do you want to have a good laugh? Check out this prank video filmed in the Philippines. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Related news
President Duterte breaks his silence over the supposed release of Antonio Sanchez

President Duterte breaks his silence over the supposed release of Antonio Sanchez

President Duterte breaks his silence over the supposed release of Antonio Sanchez
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel