Lalaking nag-ala 'Spiderman' sa EDSA, ikinabahala ng mga netizens

Lalaking nag-ala 'Spiderman' sa EDSA, ikinabahala ng mga netizens

- Viral ang video na kuha ng motorista kung saan naaktuhan nito ang lalaking nakasabit sa likod ng bus

- Nakaaalarma ito dahil nagawa ng lalaki na sumabit sa likod ng bus at isang kamay lang ang nakahawak

- Di naman daw ito nahulog at nakababa sa intersection habang nakahinto ang mga sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw atensyon di lamang sa EDSA kundi maging sa social media ang lalaking nag-ala 'Spiderman' sa highway.

Sa video na binahagi ng netizen na si Regie Lacuesta, kitang-kita ang pagkakasabit ng lalaki sa likuran ng isang bus.

Kapansin-pansin din na isang kamay lamang ang pinanghahawak niya sa bus at may dala pa itong tila isang bag.

Nasa may likuran ng bus ang sinasakyan nina Regie kaya nakunan nito ang ginawa ng lalaki.

Sila man ng kanyang mga kasama ay di maiwasang mabahala na baka maaksidente ang lalaki.

Dapat din daw sana na nalaman ito ng driver ng bus. Kung nagkataon daw kasing na-disgrasya ang lalaki, wala itong kaalam-alam ngunit siya pa rin ang mananagot dito.

Samantala, maging ang mga netizens ay nabahala sa 'Spiderman' na ito ng EDSA.

Ayon sa karamihan sa kanila, buti raw at di ito nahuli ng mga mapang-matyag na MMDA sa lugar lalo pa at ito ay ginawa sa Q. Ave Flyover sa EDSA katanghalian tapat noong Hulyo 15.

Binahagi din ng GMA news ang video.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ayon naman sa Yahoo Philippines, hindi naman nadisgrasya ang lalaki. Katunayan, nakababa pa raw ito ng maayos sa isang intersection habang nakahinto ang mga sasakyan.

Walang kasiguraduhan kung wala nga ba sa katinuan ang lalaki at nagawa niya ang napakadelikadong bagay na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel