Bea Alonzo, in-unfollow sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa Instagram

Bea Alonzo, in-unfollow sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa Instagram

- Napabalita kamakailan na sa gitna ng mga kontrobersiyang kinasangkutan ay naka-follow parin sina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto sa Instagram ng bawat isa

- Matapos umani ng reaksiyon mula sa mga netizens, tuluyan nang in-unfollow ni Bea ang IG accounts nina Gerald at Julia

- Nanatili namang tikom ang bibig ng kampo nina Gerald at Julia siumla nang pumutok ang balitang diumano'y nagkakamabutihan na sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nanatiling mainit na usapin ang diumano'y namumuong pagtitinginan nina Gerald Anderson at Julia Barretto. Si Bea Alonzo na kilala bilang karelasyon ng aktor ang tanging nakapagbigay ng kanyang saloobin tungkol sa isyu.

Matapos niyang ibunyag na walang nangyaring pormal na pag-uusap sa pagitan nila ni Gerald at bigla na lang itong umiwas sa kanya, umani ng batikos sina Gerald at Julia.

Tila malabo pang mangyari na makapag-usap upang mag-ayos ang dating magkasintahan matapos mapansin ng netizens na naka unfollow na ang Instagram Account ni Bea sa IG ng dalawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matatandaang kamakailan lang nang ibahagi ng isang gossip website na naka follow pa silang tatlo sa social media account ng bawat isa. Kapansin-pansin pa rin na marami ang nagbibigay ng suporta kay Bea.

Go Bea! Masakit man pero move on na, di sulit ang mokong na lalaking yun!
Bea blocked them
So kung di pa nabalita, di pa mag-uunfollowan? Hahaha
At least si Bea na ang unang gumawa ng di magawa nung dalawa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sa naunang ulat ng KAMI, ipinagtanggol si Julia ng kanyang lola mula sa mga bashers.

Matatandaang pumutok ang balita tungkol sa diumano'y namumuong relasyon nina Julia at Gerald nang ibahagi ng isang fan ang diumano'y picture ng dalawa na kuha sa birthday party ni Rayver Cruz.

Lalong naging maugong ang balita nang mismong si Bea na mismo ang nagbahagi ng mga mensahe na tila nagpapahiwatig na totoo nga ang balita.

Si Bea Alonzo o si Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom sa totoong buhay ay kilala bilang isang mahusay na aktres sa pelikula at telebisyon. Isang Briton ang kanyang ama at Pilipina naman ang kanyang ina. Nagkahiwalay ang kanyang magulang noon apat na taong gulang siya.

POPULAR: Read more about Bea Alonzo here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Razor Prank In The Streets Of Philippines | HumanMeter

Check out Human Meter's Razor Prank. Do you want to have a good laugh? Check out this prank video filmed in the Philippines.There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel