78-anyos na tindero ng lugaw, inulan ng tulong dahil sa viral post tungkol sa kanya

78-anyos na tindero ng lugaw, inulan ng tulong dahil sa viral post tungkol sa kanya

- Marami ang naantig sa kwento ng 78-anyos na lalaking nagtitinda ng lugaw

- Mag-isa na lamang ito sa buhay kaya naman pilit siyang nagtatrabaho para sa sarili

- Bagaman at mayroong napakaliit na negosyo, napakatumal naman nito at halos wala na siyang kinikita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ni Max Udomsak tungkol sa isang lolo na namumuhay mag-isa sa Bangkok, Thailand.

Sa edad daw nitong 78-anyos, nagagawa pa rin nitong magtinda ng lugaw.

Biyudo na kasi ang matandang ito at maging ang dalawa niyang mga anak ay nauna pa sa kanyang pumanaw.

Kaya naman nagha-hanapbuhay pa rin siya upang may makain sa araw-araw.

Isa si Max sa naging customer ng matanda. Doon nalaman niyang napaka-tumal ng maliit na negosyo nito.

Minsan pa nga, isang order lang ang nabebenta niya sa maghapon.

Nakita rin ni Max ang tirahan ng matanda na walang maayos na masilungan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Kaya naman kinunan niya ito ng larawan at binahagi sa kanyang Facebook upang maihingi ng tulong ang matanda.

Di naman nabigo si Max. Marami ang nagkomento na interesado silang tulungan ang lolo at hiningi ang detalye nito.

Malaking bagay na nag-viral ang post ng netizen dahil ito ang naging daan upang maibsan ang hirap na dinaranas ng isa nilang kababayan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Pres. Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel